labinlima

17 2 0
                                    

15. ang edad na naranasan kong magmahal, masaktan, at mabigyan ng mahalagang leksiyon. 

(inside voice 1 and 2: 🎶'Cause when you're fifteen, somebody tells you they love you..🎶)

sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko 'to isunusulat. nag-aayos kasi ako ng mga kagamitan ko, at tumambad sa pinaka-ilalim ng drawer ko ang polder na puno ng mga sulat, tula at drawings ko para sa'yo. hindi ko alam kung ibibigay ko ba sa'yo yung nasabing folder. aalis na rin naman kasi ako sa eskwelahan. sa lugar kung saan una kitang nakilala, at una akong nakaranas ng pag-ibig. 

sa katunayan, wala na yung mga pagdududa ko na dapat di kita minahal, dapat di nalang kita nakilala, mga ka-ekekan na kakainin ko rin naman ngayon. 

salamat. ayun. ang salitang kailangan kong masabi sa'yo. salamat. salamat dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo. 

(inside voice 1: pero nandun pa rin tayo sa usapan ng folder.) 

(inside voice 2: shhh, patapusin mo muna yung awtor.)

salamat dahil kahit sa maiksing panahon, naranasan kong maging kaibigan ka. at isa iyong karangalan para sa akin. napaka-ispesyal mong kaibigan. di ko to sinu-sugarcoat, pero totoo talaga eh. ang sarap lang maging kaibigan mo, walang echos. 

gayunpaman, sa usapan na tayo ng folder. (medyo nag-reminisce ako dahil sa folder pero eto na.) 

(inside voice 1: yeheyyy!) 

(inside voice 2: okay shhh makinig na tayo.)

may dalawa tayong hemisphere sa brain natin. ang right at left. sa ngayon, nag-aaway sila sa loob ng ulo ko. gusto ni right, ibigay ko yung folder at kalimutan ko na lahat ng nangyari sa pagitan natin kasi daw, yun yung tama. yun yung right. sabi naman nung left, 'wag ko raw ibigay kasi sayang daw yung mga alaala. kasi daw sabi magle-leave na rin naman daw ako, might as well baunin ang mga memories natin habangbuhay. 

pero nagdadalawang-isip ko. hindi ko alam kung handa ko na bang kalimutan lahat. pati pagkakaibigan. kasi iiwan ko rin naman kayo. 

ang hirap pala mag-move on. ang hirap makalimot ng tao. parang tinatanggal nang dahan-dahan kada araw yung braso o hita o mahalagang parte ng katawan. (o puso.) 

(inside voice 2: bakit ngayon mo lang na-realize?) 

ni hindi ko ma-delete yung mga litrato nating dalawa. hindi ko matapon yung ibinigay mo sa akin dati. parang gusto kong magmove-on pero di ko kaya. shet. 

pero hindi ko talaga alam kung ibibigay ko ba sa'yo yung folder. shet(2).  

kung hindi ko kayang ibigay yung folder ngayon,  baka sa future nalang. kaso di ako sigurado kung magkikita pa tayo sa future. shet(3). 

maybe sa ngayon, (wow maybe) ie-enjoy ko nalang yung mga natitirang araw na magkaklase pa tayo.

(inside voice 1: sure ka na mae-enjoy mo? di na nga kayo nag-uusap eh.) 

(inside voice 2: shh wag ka epal, awtor continue pls.) 

masakit, pero yung magandang bagay kapag nasasaktan is nagkakaroon ng lesson na matututunan natin na babaunin natin for the rest of our lives. kaya thank you. thank you for the chance. for being unapologetically yourself. 

and sa folder, depende nalang. pero alam kong mababasa mo ang laman non. see you when i see you. kilala mo kung sino ka. 

(inside voice 1: mamimiss netong awtor yung sinusulatan niya.)

(inside voice 2: tingin mo ba umiiyak yung awtor?) 

di ako umiiyak. humahagulgol ako. 

ps. ang bitter ko pala sa Labing-Apat. jusko. tumataas ang mga balahibo ko kapag nababasa ko. pero susubukan ko talagang magmove-on. para sa sarili ko at para sa'yo. alam ko namang uncomfortable ka sa minsang napapatingin ako or kinakausap kita. kaya susubukan ko :)

good luck sa life and more pawer to u! labyu as a frend, walang halong ampalaya :))

YouWhere stories live. Discover now