I'm Titania Louis. Isang nerd, bookworm, at honor student. But I'm not the kind of nerd na inaapi lang at mukhang payaso katulad ng iba, lalo na sa mga binabasa niyo. No, I'm not like that. Dito sa school namin, specifically sa room namin, kinakatakutan ako. Not because I bully or whatever, but because yung nilalabas kong aura is nakakatakot. Yung tipong kapag tinawag mo pangalan ko at mapapatingin ako sayo, parang tinignan ka ni kamatayan. My eyes are as dull as nothingness kahit na bright brown ang kulay nito. My whole being screams darkness and depression.
But of course, meron talaga sa school niyo na pabida. Wala mang makaka-angas sakin sa room namin, meron naman sa kabilang section. And that is Megan Versoza. I can say that she was the most popular before I even came here. Maraming sumasamba sa kaniya because she was the hottest nerd 'kuno' but things changed nung nag-transfer ako last two years. Tsk. Palagi niya 'kong binubully at hinaharass. Kala mo naman kung sino. When my classmates asked her kung bakit niya 'ko inaaway at binubully ehh sinagot ba naman niyang nakakadepress ako? Ganun? Well, IDGAF. Nilalabanan ko naman siya at palagi akong nananalo. She hasn't touched me physically yet. But if she did, she'll regret it.
-
-
-Palakad-lakad lang ako sa hallway nang araw na yun. Ako kasi ang Class President ng room namin at nagpameeting ang SSG. After ng meeting, inutusan ako ng SSG President na maglinis muna. Tangina niya. Alam ko namang naiinis sakin yun ehh. Marami kasing boto sakin na mag SSG pres last election kaso hindi ako nagpasa ng COC. Katamad ehh.
Nang makarating ako sa room namin para kunin ang bag ko, timing naman na nag-brown out. Tsk. Umuulan pa naman taz magba-brown out? The school looks so much creepier when its dark.
Nagsimula na kong umalis ng room namin. I need to get home fast. Baka nag-alala na sina mom and dad sakin. 6 pm na rin kasi ehh. As I was making my way down the stairs, may naririnig akong kaluskos or tunog ng paa di kalayuan. Nilingon ko ito pero wala akong maaninag. Madilim kasi ehh kaya nagpatuloy na lang ako na bumaba nang may naramdaman akong mga kamay na tumulak sakin. Naramdaman kong umalis ang paa ko sa tinatapakan ko at ramdam ko ang hangin sa balat ko. Dahan-dahan akong lumingon at kasabay nun ay kumidlat kaya nakita ko ang tumulak sakin. At yun ay walang iba kundi ang SSG pres kasama si Megan. Fuck! Nakalimutan kong magkapatid pala tong dalawang toh!
*BBBLLLAAAAGGGGG*
***
Ilang linggo na ang lumipas at nagpatuloy sa pagtakbo ang University. Merong hindi matanggap ang pagkamatay ni Titania, meron namang nasiyahan. And one of those is Megan. Siya na yata ang kumuha sa nerd role ni Titania. Lahat ng atensiyon ay nasa kaniya na at siya na ulit ang hottest nerd ng campus.
Lunch break. Naglalakad si Megan papuntang locker niya. Kukunin niya lang mga libro niya sa chemistry. May quiz kasi sila mamaya ehh. Nang mabuksan na niya ito ay nagimbal siya sa kaniyang nakita. Isang putol na kamay at may nakaukit pa dito.
I WON'T FORGIVE YOU. YOU.ARE.NEXT.VERSOZA.
Agad niyang sinarado ang locker niya at kumaripas ng takbo patungong classroom nila. Hingal na hingal siya sa pagtakbo. Fuck! Sinong gumawa nun?! Is it possible na si---hindi! Patay na siya! Ilang linggo na siyang patay! P-pero, pano kung buhay pa siya---No no no no no! Stop thinking nonsense! Patay na siya. Tinulak niyo siya sa hagdan. Wala na siya. Wala nang Titania Louis!
Habang nag-iisip siya kung sino ang maaaring gumawa nun sa kaniya ay ng ring ang cellphone niya. Tumatawag sa kaniya ang ate niya.
'May natanggap ka ba?' Bungad nito na tila kinakabahan. Agad na nanghina ang tuhod niya at napasalampak siya sa sahig.
"I-ikaw din ba a-ate? W-what if buhay siya? P-ano kung n-nagtatago lang s-siya? A-ate!!!"
'Shhh! Wag kang maingay! Meet me at the rooftop later at 6! Doon tayo mag-usap. Walang makakarinig satin doon. I'll dispose of the hands secretly. Basta, wag kang magpahalata'
"S-sige" at doon na namatay ang tawag. Megan sat on the very corner of the room at doon tahimik na nananalangin na sana ay walang may mangyaring masama sa kaniya. Sa kanila ng ate niya.
Habang nasa ganung posisyon siya ay may nagmamasid sa kaniya. Napatawa na lang ang taong iyon nang makita ang kalagayan niya.
'Sige lang. Ang sarap mong tignan habang takot na takot. Magbabayad kayo'
***
6 pm na. Nasa rooftop na si Megan. Sobrang dilim na ng kalangitan at malamig pa. Wala pang masyadong ilaw kaya mas nakakadagdag ito sa kadiliman. Tinext na niya ang ate niya pero hindi pa rin ito nagrereply. Tsk! Gabing-gabi na oh!
Naghintay pa siya ng ilang minuto at nakaupo lang sa edge ng rooftop. Nang wala talagang sumipot sa kaniya ay tumayo na siya at akmang aalis na nang may maramdaman siyang hininga sa batok niya kasabay ng mga kamay na tumulak sa kaniya sa rooftop. Gulat at taka ang bumakas sa mukha niya. Nang lingunin niya ang taong tumulak sa kaniya ay napaiyak na lang siya.
"A-ate... Bakit?"
At tuluyan na ngang nahulog si Megan. Tawa naman ng tawa ang ate niya. Sa wakas! Wala nang mas hihigit pa sa kaniya! Mas matalino at mas maimpluwensiya siya pero mas maraming tumatangkilik kay Titania. Mas maganda naman siya pero mas maraming nagmamahal sa kapatid niya. Mas mabuting mawala sila sa landas niya para siya na ang maghari sa university.
She took one last glance at her sister on the ground bago pumasok at umalis ng rooftop. Nakangiti lang ito habang naglalakad.
"Tsk tsk tsk. Akala ko pa naman ehh ako yung makakapatay sa walanghiyang Megan na yun. Oh well, her sister will be enough" saad ni Titania at iniunat ang barbed wire na hawak hawak niya pagkatapos ay sinundan ang ate ni Megan.
////
CLRSTNE+
BINABASA MO ANG
Tales of Twisted Madness
RandomCan you stomach the twisted madness you're about to enter? See and find out. You'll be in for a ride :)