Nakaupo lang ako habang uniinom ng kapeng inorder ko nang makita ko 'siya' na pumasok sa cafe. Holy sht! Is this for real?! Fuck! Agad kong inayos ang pagkakaupo ko at ibinaba ang cap na suot ko. Naman! Kung kelan napagdesisyonan ko nang tigilan ang pag stalk sa kaniya saka naman siya lilitaw bigla. My gawd! Hustisya naman oh! Huhuhu! Ok, kalma lang puso ah? Kalma lang!
Medyo malayo ako sa kaniya kaya hindi ko masyado marinig kung ano man ang sinasabi niya pero alam kong nag-order siya ng isang mocha cake at blended coffee. Yan kasi palagi inoorder niya pag pumupunta siya dito.
Nang tapos na siyang mag order ay pumunta na siya sa favorite spot niya dito sa cafe at nagsimula nang magbasa. Haaaayyyyy!!! Ang guwapo niya talaga habang nagbabasa! Yung tipong naka glasses siya, naka bonnet, naka long sleeves at ripped jeans. Jusme! Parang pinagsamang asian at western yung style niya ehh! Huhuhu! Ba't ang gwapo mo Yael?
Wait no! Stop it Yna! Tama na yang pantasya mo! Jusme! Give up na nga diba? Pota naman kasi ang gwapo at ang hawt niya pero.... Arggghhhh!!!! Wag kang masyadong marupok hutaena ka Yna! May gilpren na yang hawty fafa na yan! And he loves his goddamn girlfriend kaya maghunos dili ka! Hindi ka katulad ng ibang stalker jan na nabubuang dahil lang sa mga nagugustuhan nila! Hindi ko obsessed psychopath! Tandaan mo yan! Isa kang magandang dilag na isinilang sa mundo upang ipamukha sa mga peelingerang froggies na hanggang feeling na lang talaga sila ok? Good!
Hindi nga obsessed psychopath pero nabubuang na dahil sa pagiging denial queen. Potassium naman kasi ehh! Gustong gusto ko talaga si Yael pero ayoko naman maging baliw na stalker! Huhu! Halos mandiri na nga ako sa sarili ko nang sumabak ako sa gyerang toh! Isang diyosang admirer lang naman kasi ako nung una pero hindi ko namalayan na sino-stalk ko na pala siya. Haist! Pag-ibig nga naman. Hahamakin ang lahat makuha lamang ang iniibig.
Ok so mabalik nga tayo kay bebelabs ko. Pasulyap-sulyap lang ako sa kaniya habang iniinom ang inorder kong kape nang may kinawayan siya. Kunot-noo kong sinundan yung kinawayan niya at doon ko napagtanto na girlfriend niya pala na si Cindy. Howkay! That's my cue! Aalis na 'ko. Hindi naman kasi ako tulad ng ibang stalkers na pag nakita yung kasintahan ng sino-stalk nila ay halos isumpa na nila sa sobrang inggit. Duhh? Diyosa ako kaya ba't naman ako maiingit? Sila ang dapat mainggit sa isang tulad ko noh!
Tumayo na ako at nagbayad na sa counter. Marami pa ngang napapatingin sa akin nung papunta akong counter. Oh well, sa angking ganda ko ba naman ehh hindi sila magagandahan sa akin? Tsk tsk tsk.
After kong magbayad ay agad na akong umalis ng cafe at pumara ng taxi para umuwi na. Nawalan na rin kasi ako ng gana na gumala atsaka, pagod na rin naman ako ehh. May pasok pa 'ko bukas so makikita ko pa si bebe ko Yael at.... Ang girlfriend niya bukas sa university. Huhuhu! Saklaf dibuhh?
****
Kasalukuyang naglalakad ako sa hallway dito sa loob ng university. Tanginuhh lang! Para akong newborn zombie dahil sa sobrang #haggard ko ngayon! Ajujuju! Walanjo na prof kasi namin ehh! Nag surprise quiz ba naman?! Ehh wala nga yun tinuro samin ehh tapos ilang araw ring hindi pumapasok taz magqui-quiz agad nung naisipan niya nang magturo samin?! Anong akala niya sa utak namin, si google na may sagot agad sa bawat tanong niya?! Major ko pa naman ang Fil. History tapos ang tamad-tamad pa niyang pumasok! Buti nga di pa yun nawawalan ng trabaho ehh! Next time na gaganun siya, I'll report him sa dean para naman siya na yung pagalitan at hindi na kaming mga walang kamuwang-muwang na mga estudyante! Hmmpft!
Walang gana pa rin akong naglalakad nang biglang mahagip ng shutipul eyes ko sina bebeloves ko Yael at ang gilpren niya. Omo! Pumasok sila sa isang classroom! Tanginuhh! Anong gagawin nila jan?! 6 pm na po kaya sobrang nakakapagtaka dahil lahat ng classes dito sa amin ay hanggang 6 lang! Opo, ganun kaganda ng patakaran dito sa university namin dahil walang night classes. Magwagi ang Sipsu University! Wuhooo!
BINABASA MO ANG
Tales of Twisted Madness
RandomCan you stomach the twisted madness you're about to enter? See and find out. You'll be in for a ride :)