AN: wazzup wazzup humans! Kita niyo yang nasa multimedia? Kilala niyo? Coz I totally know this chick and I friggin dig her! Hooo!!!! 10 points for the savage Rachel Gardner ma mehn!
Another story of Wybie Sylvestre. Show him some love pips. Muwah! 😘
***
___
*Zzzzt.zzzt*
From: unknown number
Message: Let's bathe in Valentine's blood this Feb. 14
---
Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang message na to. Kanino naman to galing? And what does this person mean? Tsss... Baka bitter lang to dahil walang ka-date ngayong valentine's day.
Seriously, what's the big deal? It's just one stupid day for lovers to openly proclaim their love for each other pero sa bandang huli, magbe-break din naman. Tsk! Ok fine, isa rin ako sa mga bitter na taong ayaw sa valentine's day. Eh sa nako-kornihan ako eh. Ba't ba kasi may ganun pa? Why proclaim their intense love for each other when they can do it every single day? Hibang na ata ang mga tao ngayon. Tsk! Tapos yung iba, desperadang-desperada to the point na nagda-drama sa facebook. Seriously people! Wala na kayong magawa sa buhay niyo kundi kalandian? Tsk!
Ok, I guess I went waaaaay overboard this time with my words. I apologize. Sadyang bitter lang talaga ako.
"Wyyyybbbiiieeeee!!!! Thank goodness nandiyan ka lang pala! Halika na at magdedecorate pa tayo ng room natin! Jusme naman Sylvestre! Ikaw yung treasurer ng room tapos gagala ka pa?! San kami kukuha ng pera if ever na hindi ka namin makita?!" Bulyaw ng class president namin nang mahanap na niya ako. Tsk. Kahit kailan talaga parang nakulunok ng speaker tong isang to. Kala mo naman kung saang sulok ako ng mundo kung makasigaw eh hawak-hawak na nga niya ako.
"Why can't I just give you the money? This is too boring for my liking Zyreen" bored kong sagot sa kaniya. Binatukan niya naman ako dahil dun. Sht! Ang sakit nun ah?!
"Eh gago ka pala eh! Bakit ka pa naging treasurer kung hindi mo man lang pala kayang panindigan ang position mo?!" Bulyaw ulit nito sakin habang hila-hila ako. Pinagtitinginan na nga kami ng mga estudyante dito sa hallway eh. Eh pano ba naman para siyang timang na hila-hila ako eh hindi niya naman ako kaya. Para nga siyang tumatae eh. Yung tipong pinipilit na ilabas yung ano. Ok, censored dapat yun.
"Baka nakalimutan niyong pinagtripan niyo ata ako?" Sabi ko sa kaniya na siyang ikinatigil niya sa paghila sakin. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin na may malaking ngiti sa mukha. Tsk! Sarap ingudngod sa inodoro eh.
"Ay oo nga pala no? Haha!" tawa niya at hinila ulit ako. Nagpahila na lang din ako para hindi na kami magmukhang tanga. Nang makarating na kami sa classroom namin ay laking gulat ko sa nakita ko. Holy sht! Pano nila nagawa to?!
"Oh! Nandito na pala kayong dalawa! Tulungan niyo naman kami dito oh! In fairness, bet ko yung idea ni pres na magtayo ng haunted house ngayong valentine's day. Wahahaha! Wala talagang forever!" Tawa ni Aila habang inaayos ang kamay ni freddi, yung sa nightmare on elm's street. Naka set up na yung room namin at talagang mukha na siyang haunted house. Ang inaayos na lang nila ay ang mga manikin at ang mga gagamiting panakot sa mga estudyanteng papasok dito.
"Oh? Mukhang malapit na kayong matapos ah?" Saad ni Zyreen habang hawak ang ulo ng isang pugot na pari. Oh fvck! Parang totoo yung ulong hawak niya!
"Panong hindi matatapos eh ang tagal niyo kayang dalawa. San ba kayo nagpunta? Siguro nag date kayo no! Yiiieeee~" tukso ni Ella. Bwiset talaga tong babaeng to kahit kailan. Trip na trip talaga kami ni Zyreen eh.
BINABASA MO ANG
Tales of Twisted Madness
RandomCan you stomach the twisted madness you're about to enter? See and find out. You'll be in for a ride :)