Chapter 2
Hopie POV
Andito kami ngayon sa MCDO kasama si Mang Tony ,Yaya Pony, Mickey at sempre so Quenito Ang cute ng name nya no? Kain lang kami ng Kain at pagkatapos uuwi na Sana kami ng nagsalita so Quenito.
"Hatid nalang naming kayo." sabi sa amin ni quenito. Hala Hindi pwede baka makita sila ni daddy patay...
"WAG!!!I mean kaya nanamin." sabi ko.
"Oo nga quenito este Quen kaya na namin." sabi ni Yaya Pony.
"Sige na hopie pleasee..." nagmamakaawang sabi ni quenito.
"Baka kasi magalit ang daddy ko" sabi ko sakaniya.
"Ihahatid lang naman eh"sabi niya. Ewan kung among meron dito kay Quenito ng bigla syang lumungkot bigla din akong nalungkot hayyy...
"Sige na nga..pero sa labas lang kayo ha?" sabi ko pagkatapos ko mag buntong hininga. Bigla naman syang ngumiti kaya bigla din akong sumaya.
"Promise sa labas lang kami" nakangiti niyang sabi at tinaaas pa ang kaliwang kamay nya.
"So Tara na?" nakangiting sambit ni Yaya Pony.
So yon nga pumasok na kami sa van nila at ibinigay ang address ng subdivision at nakarating nakami tulad ng pangako nya kanina sa labas lang sila. Bababa na sana ang driver nyang si Mang Tony ng pigilan nya.
"Ako napo manong" nakangiting sabi ni Quenito. Bumaba na sya at pinagbuksan ako ng pinto ng van buti hindi sya nabigatan pagbukas ng pinto at bumaba na kami.
"Kita nalang tayo ulit..." sabi niya at ngumiti.
"Sig--"
"HOPIEEE!!!! "napalingon kami ni Quenito sa tumawag saakin at nagulat ako ng makitang si daddy at nakakunot ang noong lumapit saamin mukhang galit atah..
"Saan kayo galing ha? at sino itong batang lalakeng to?" hindi ko masagot si daddy dahil nanginginig ako..
"Sir ako po si Enrique Gil" nakangiti pa niyang pakilala. Hala hindi sya takot? At may nalalaman pang lahad ng kamay ang mokong to
"So Enrique alam mo bang pinaka ayaw kung nakikipag kaibigan ang anak ko lalong lalo ng is mga lalake?" sabi ni dad.
"Sir wala naman pong masama sa pakikipag kaibigan sa anak nyo,at wala naman po akong masamang attensyon kay Hope" sabi ni quenito.
"Ganito ang gusto ko malakas ang loob , matapang. Wag muna akong tatawaging sir call me Tito or daddyJ." ngumiti si dad sa kanya , Alam nyo bang ngayon lang na may batang lalake ang nakipag kaibigan sa akin pero pagdating kay dad natatakot sila gwapo nman ang dad ko Ahh.
"Tara don tayo sa loob ng bahay.." alok ni dad.
"Wag napo Tito baka kasi hinahanap nako ni mommy eh." sabi ni Quenito.
"Oh sige but next time ha" sabi ni dad at ngumiti.
"Sige po Tito, alis napo kami tito, hopie sige alis na kami" paalam ni Quenito. Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap, tumingin naman ako kay dad at nakangiti lang si dad
bumitaw na sya at pumasok na sa van sabay babye saakin este sa amin, hahaha.. Pumasok na kami sa bahay at kumain na ng dinner
.
.
.
.
.
.
.
.
.
FAST FORWARDNakalipas ang 3 buwan mas naging close kami ni Quenito lalong lalo na ang pamilya namin subrang close.
Madalas kaming maglaro ni Quenito sa labas ng bahay at my bagong kaibigan narin kami si Jackie a.k.a jack babae sya pero may pagkakalalake alam nyo kung bakit? kasi pag nag kakasalkasalan kami nina Quenito sya ang pari at si Quenito ang groom at syempre ako ang bride kilig ako.. at palaging sinasabi ni Quenito saakin na ako daw ang pakakasalan nya."Pagnakapagtapos na tayo ng pag-aaral at may magandang trabaho na tayo at syempre pag nasa tamang edad natayo ikaw ang pakakasalan ko" sabi nya habang nakatingin sa mga bituin, nandito kasi kami sa tree house naming kami lang dalawa ang nakakaalam ng tree house nato, nakahiga kami pareho sa damohan nakaunan ako sa braso nya.
"Saksi ang mga bituin na yan na hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo kahit tumanda na tayo pangako yan" kinikilig naman ako sa mga sinasabi nya kasi pagnangako sya tinutupad nya, yan ang paniniwala ko...
_____________________________________
♡️Don't forget to vote, comment, and share ♡️
Thank you for reading!♡️
BINABASA MO ANG
The Promises [COMPLETED]
RomanceMay kasabihang "Promises meant to be broken" daw. Pero sa kwentong ito, mapapako nalang kaya ang lahat ng pangako dahil sa pagkawala niya? Pero pano kung magbalik siya? Pero wala namang maalala, matutupad pa kaya ang mga pangakong yun? O mawawala a...