chapter 28 ill shall return??
[ one pov ]
"kung ganon.. totoo nga ang balita.."
"kailangan mawala sya sa lalong madaling panahon bago pa sya makuha ng iba."
"tama.. hindi tayo nakatitiyak sa mangyayari.. magpadala kayo ng tauhan na magmamanman sa kanya.."
"masusunod po.." nawala na sa screen ang mga kausap ko..
"one, totoo ba ang balita?" napalingon ako sa likuran ko.. si number 23 ng junior squad.. tumayo ako sa pagkakaluhod ko at hinarap sya...
"oo.."
"kung ganon magandang balita yan!" ngumiti sya sakin.. tsk!kung alam lang niya di sya makakangiti ng ganyan..
"pero hindi magandang balita yun para sa tres aves.. alam mo naman ang patakaran.." biglang lumungkot ang mukha niya..
"kung ganun.. ipapapatay sya?" tumango ako..
"ganun ba.. pero kung makukumbinsi natin syang bumalik di na sya papaslangin hindi ba? isa sya sa pinakamagaling sa organisasyon hindi ba?" tama sya pero tingin ko malabong mangyari yun..
"imposible.. kilala ko sya.. kaya wala na tayong magagawa.." tumalikod ako sa kanya.
sino ang pinaguusapan namin?
si thirteen..
nalaman na kasi ng tres aves na buhay ito.. akala nila isang haka-haka lang ang balitang buhay pa sya pero ng makumpirma namin na buhay pa sya... nataranta ang tres aves.. para sa kanila.. banta si thirteen sa organisasyong ito..
"tutal nandito ka na rin lang.. ikaw na ang ipapadala ko sa misyon.. ang manmanan sya.." natahimik sya.. alam kong di niya inaasahan ang sasabihin ko.. pero sya lang ang naiisip ko na pwedeng gumawa sa ganitong misyon..
ang mga junior squad kasi ang humahawak sa mga ganitong kaso.. dahil hindi pa sila bihasa sa paggawa ng misyon na mabibigat, kaya puro madadaling misyon lang ang pinagagawa sa kanila.. ang pagkalap ng mga impormasyon ang madalas na ibinibay sa kanila..
sila ang mga taong papalit sa amin kung sakaling may mawala sa amin.. sa ngayon ang posisyon ni thirteen ay bakante pa din..
pipili ng sampung junior squad ang tres aver, dadaan sila sa isang matinding pagsasanay para ihanda ang taong mapili para sa posisyong iniwan niya.. paglalabanin sila at kung sino ang manalo.. sya ang itatalaga..
kung sino man ang papalit sa kanya.. mahihirapan..
isang kasaysayan si thirteen, itinurin din syang idolo sa mundo ng mga assassin.. tiyak na mahihirapan higitan ng papalit sa kanya ang mga nagawa niya noon..
bawat isa sa mga numbers, ay may kanya-kanyang apprentice.. kahit pati si thirteen meron...
yun ay si 33..
ang taong kausap ko ngayon lang.. malapit si thirteen kay 33, naturuan sya ng mabuti ni thirteen pagdating sa pagpatay, pageespiya at sa paggamit ng sandata niya.. dapat kasali si 33 sa mga napili.. tinanggihan niya lang ito dahil ang paniwala niya ay hindi pa sapat ang kakayahan niya para maging isang number na katulad namin..
kaya di na ako magtataka kung hindi niya tanggapin ang misyong ito..
"kundi mo kaya ibibigay ko na lang sa-"
"hindi.. kukunin ko ang misyon na yan.."
"kung ganon maghanda ka na.." at umalis sya..
kahit gusto kong pigilan umalis si 33 di ko magawa.. wala akong kakayahang suwayin ang utos ng tres aves..
BINABASA MO ANG
Black cat(on hold)
Teen Fictionhe deliver a bad luck sa lahat ng biktima niya.. dahil sa kakaibang kayahan niyang pumatay ay binansagan syang BLACK CAT.. pero sa likod ng bansag niyang yun ay may na mumuong sikretong pagkatao bukod sa pagiging assassin niya.. malulutas niya kaya...