Ang lalakeng di marunong ngumiti

46 0 0
                                    

Walang masyadong trabaho sa opisina, wala pang mga nagpapabook, at mas lalong wala nagphophotoshoot ngayon, kaya siguro, photo walk muna ako mabuti pa para madagdagan ang collection ko sa portfolio.

Burnham Park
alas nuebe ng umaga

Minabuti ko ng isulat, makakalimutin na kasi ko minsan, kailangan may documentation para hayahay ang buhay. Dito na ako nagkamalay, wala pang masyadong tao noon, di hamak na mas malamig pa at mas malinis ang hangin.

Bumukadkad na yung mga Dahlia, pati yung mga Zenia, hitik sa bulaklak ang Burnham ngayon. Naglakad ako, paikot sas gilid ng lagoon, sinisimot yung amoy ng eucalyptus na tanim dito.

ay, may loner, nakaupo sa may bench sa gilid mismo ng lagoon. Makaupo nga sa tabi,

click
click
click

Deep in thoughts si Kuya, nakasuot ng green na converse na lowcut, naka khaki na shorts, kupas na yellow na hoodie at relos na leather ang strap. Medyo may hitsura si Kuya, pero seryoso mode siya. mala-thinking man ang pose ni kuya pero halata namang lutang sa ere ang utak niya.

Hay, okay na, insta star na siya, makaalis na nga, baka habulin ako or takutin na itatapon yung camera ko sa burnham lake.

Naglakad lakad ako papunta sa may terminal ng Scout Hill loop, at lumusot papuntang Bayanihan, kung san madaming ukay ukay goods. Tinuloy-tuloy ko ang paglalakad hanggang sa makaakyat na sa may Mcdo para magsawsaw ng fries sa hot fudge.

Pagkaupo ko sa may mesa na nakadungaw sa kalsada, nakita ko sa tabi ko si Kuya thinking man

"Sinusundan mo ba ako?"

"Ha?" Mukhang nabigla siya sa tanong ko.

"Ikaw yung asa Burnham kanina di ba?"

Pinakita ko ang mga kuha ko sa kanya

"Ah, kinuhanan mo pala ako, di ba dapat may talent fee yan" Kinagatan niya and double cheeseburger niya. Wow, nangalahati agad yung burger. nakatingin pa din siya sa malayo.

"Ah, pwede rin, cheese burger ulit?"

Tinitigan niya ako ng matagal. Natakot ako. "Mukha ba akong salat sa burger?"

"Ah hindi, para kasing...para kasing ku...ah prang enjoy na enjoy ka eh, mukhang gusto mo pa."

Ngumiti siya. Bah may hitsura nga.

"Aanhin mo ba yang litrato ko?"

"Ah, wala hilig ko lang mangolekta ng mga alaala."

hinigop niya yung monster float niya.

"Eh ikaw, lagi ka bang nagmumuni muni?"

"Hindi."

"Ah, may gusto ka sigurong malimot" Kuh, medyo off ata tanong ko. Nilunok niya yung natitirang burger. at hinigop ang natitirang float.

"Lahat ng bagay binabaon ko sa limot." Tumayo na siya at umalis.

0

Memory ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon