Si Schneider

28 0 0
                                    

Two weeks after that will you be my "Maid of Honor" incident.

October 26, 2014 na. Birthday ko na bukas. Hay. Tatanda na naman ako. 24 na ko mamaya. Oh my Gulay. Speaking of which, makapasyal nga doon mamaya, gusto ko muna magmuni-muni. Sa mga panahong umuulan at gusto ko lang magpakalutang, at malunod lang sa mga kakaisip, masarap magkape at tumingin sa malayo hanggang sa kusa kang bumalik sa kamalayan.

It's quite ironic nga naman at kung gaano ko kagarbo at kadetalyado sa mga events na kinokonceptualize ko, eh ganon naman ako kasimple magcelebrate ng birthday ko. Kuntento na ako na batiin ng mga kaibigan ko na maramdaman ko na may puwang ako sa mga buhay nila.

Bang Bang Tok tok Bang Bang Tok Tok

Yan ang code namin ni Kuya, ang Bang Bang Tok Tok combo. Kasi pag Tok Tok lang, panigurado si Mama yun, pag si Dad, di yun kakatok, tatawagin ako from the other side of the door.

Binuksan ni Kuya ang pinto.

"Ya naman! Maaga pa." Tumingin ako sa relo, alas nuebe na pala. Ang tagal ko na nakatunganga.

"Bumangon ka na diyan, dumikit na yang foam sa likod mo"

As usual. Nakabihis na si Kuya. Naka khaki na prep shorts, puting long sleeve shirt na neatly nakatupi at tela na loafers na light stonewashed green. Matangkad si Kuya Ken. Nasa 5'11", tama lang pangangatawan, maarte manamit, at balidoso sa katawan. Yan si Doc Kennedy Francis Gomez. Kada Sunday, nagdadate kaming dalawa, yun ay kung wala siyang naka-schedule na pasyente. Minsan Nagjojogging kami, kadalasan tumatambay sa Booksale sa SM, o di kaya naman kakain ng Apple Pie ng Volante's o ng Strawberry Shortcake sa Vizco's. Kaya ako tumataba eh, kasi kung makapag-aya si kuya ng Lunch date, grabe, sky is the limit kami sa food. Di naman siya mahilig kumain. Pihikan nga siya eh, ang gusto lang niya kainin anything na may gulay. Other than that, titikim lang siya onti, tapos ipapasa na niya sa akin.

"May iba tayong lakad, kaya gumising ka na diyan"

Idinaan ni kuya ang isang mug kong Sagada Coffee at ang epic niyang french toast grilled cheese combo. Walang makakatalo sa breakfast combo na gawa ni Kuya, medyo sunog sa isang side, tas maputla sa kabila.

Dali-dali na ako nagprepare. Ayaw kasi ni kuya nag-aantay. Saan kaya kami pupunta?

Nagmumog lang ako saglit at kinain ko na sa lamesa dito sa kwarto ko yung pinaghirapan ni kuya na almusal ko. Binilisan ko na rin maligo, at nagsuot ng Light Green na blouse, at yellow na palda shorts. Pinarisan ko na lang ng puti na doll shoes at Puti na hikaw at puting purse.

Sumakay na agad ako sa pulang Rav4 ni kuya. May sasadyain daw kaming tao sa La Trinidad.

_______

Pagdating namin sa bahay ng pupuntahan naming tao, nakita ko agad yung cute na tuta na German Shepherd.

"Yan Birthday gift ko sa iyo."

Siyempre nagspark agad mata ko. Matagal ko na gusto magkaroon ng aso. Tapos German Shepherd pa. Di maipinta ang happiness ko ngayon.

Kaibigan ni Kuya ang pinagbilhan namin nung tuta. Noong nabalitaan daw ni Kuya na may bagong mga tuta yung kaibigan niya, dali-dali siyang nakipagdeal. The best talaga ang Kuya ko, alam niya ang kiliti ko.

"Kuya, napaalam mo na kay Mi at Di?"

"Oo naman, planchado na before ko bilhin" Direcho tingin ni kuya sa kalsada para makabalik na kami sa bayan, para bumili ng mga kakailanganin ng bago kong alaga.

"Ano naman ipapangalan mo diyan?"

Walang second thoughts, alam ko na gusto ko ipangalan. "Schneider"


Memory ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon