Umagang malungkot

35 0 0
                                    

Bakit ganun nangyari kanina? Parang hindi niya ako kilala? Pilit kong iniisip.

3 years ago, Pasko, Birthday ko.

"Ang tipid mo regaluhan no, isang gift para sa pasko at birthday. Anong wish mo?" Nakayakap siya sa likod ko. Habang ako, hinahaplos ang braso niya.

"Pagtiyagaan mo lang ako, okay na ko. Di man ako kasing talino ng pinsan ko, di man ako kasing-yaman mo, at hindi ko man maibigay sa iyo ngayon mga gusto mo."

"Sus, nagdrama ang bestfriend slash boyfriend ko" Pinisil niya ang pisngi ko, at hinalikan ang pinang-galingan ng kurot.

"Peter, sa tingin mo ba tayo hanggang dulo? Naiimagine mo bang magpapakasal tayo?"

Di ako nakasagot, napaisip ako, how can I give her everything in the world, when I don't have anything to give? Pero di siya natinag sa kawalan ko ng reaksyon. Humarap na lang siya sa akin, at hinalikan niya ako at niyakap ng mahigpit bago ko siya ihatid sa bahay nila.

Tumalikod na ako sa kanya ng bigla niyang sinabing "I love you Peter"

Binalikan ko siyang yakapin at binulong "I love you Carmela"

Yun marahil ang pinakamasayang pasko ng buhay ko. Sinagot niya ako noong araw na iyon. Kahit na ayaw sa akin ng magulang niya, pilit pa rin naming tinatawid yung relasyon namin. Kahit langit siya at ako lupa lang.

Noong sinabi ni Ela sa magulang niya na hindi niya gustong tumuloy sa medisina, mas lalo silang nagtanim ng galit sa akin. Palibhasa daw ako ang nagtanim sa kanya ng ideolohiya na to be free and to decide for oneself. Sinabi ko lang naman ang totoo. Ayaw kasi niya mulat sapol na mag-aral ng Bio, gusto niya noon mag Fine Arts sa UP Baguio. Naipasa nga niya yung exams, at nakapasa rin siya sa screening, pero hindi siya pinayagan sa gusto niya. Kaya pinilit niyang tapusin ang kurso niya kahit di naman niya mahal yun.

Ilang buwan lang ang nakalipas, magkasama kami noon na namasyal sa San Fernando. Hinimatay si Ela. Wala akong magawa noon. Tinawagan ko ang Kuya niya para sunduin kami.

"Mabuti pa siguro, Peter, layuan mo na ang kapatid ko."

Gusto ko siyang comprontahin bakit niya sinabi sa akin yun. Di ko siya naintindihan. Bakit niya ako gustong lumayo kay Ela. Pero hindi ako nakasagot, hindi ako naka-imik man lang.

Dahan dahang nawalan ako ng compiyansa sa sarili. Dumating sa puntong lagi ng maiinit ang ulo ko. Pati si Ela, napagbubuntunan ko ng inis.

Kinaugalian niya akong tawagan bago siya pumunta sa trabaho niya tuwing umaga.

"Baby hugs, kamusta ka?" Lagi siyang masiyahin tuwing babati sa akin.

"Okay lang"

"Kumain ka na ba?"

"Oo"

"Ano kinain ng baby ko?"

"Typical almusal"

"Ah, wala ka ata sa mood,"

"Hindi ba obvious?, umagang umaga nangungulit ka na."

Malambing siyang sumagot, "Sorry na be, to naman, nangangamusta lang, Okay, bye bye, ingats ka"

Di ko siya sinagot, binagsakan ko lang siya ng telepono.

Naging routinary na lang kami na mag-girlfirend boyfriend, dahil siguro sa insecurities ko sa kanya, mas lalo lumaki yung distansya namin. Pero ang problema, ako at hindi siya. Nakita ko siyang nahihirapan na sa ugali ko, di ko naman mabago, kusang nagiging magulo lahat. Dumarating sa punto na sasabihin niyang ayos lang siya, pero malalaman ko na lang hindi na pala siya nakakatulog sa gabi, hindi kumakain sa oras.

Hanggang sa napagpasyahan kong makipaghiwalay. Humingi siya ng paliwanag, pero hindi ko siya sinagot, dahil sa totoo lang, hindi ko rin mapaliwanag sa sariil ko kung bakit ko ba gagawin yun. Iniwan ko na lang siya at nagpunta sa Maynila kasama si Kuya para palaguin ang negosyo namin noon. Hindi na kami nagkita magmula noon.

XFM!Lg

Memory ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon