Umuulan na naman. Naabutan na ako sa may kanto. Tumaob na nga yung payong ko, may rumagasa pang sasakyan kaya yan mas lalo ako nabasa.
Hay!
Pero keri-keri lang, Basa man ang doll shoes at ang bulaklakan kong palda na bagong bili ko sa may Celine at Plains and Prints, pauwi naman na ako. Isa pa, job well done na naman ako ngayong araw. May successful ako ulit na na-organize na event.
Beep
Beep..Beep..Beep
Akalain mo ba naman, darating pala ang Kuya ko. Ang always late na kuya ko.
"Ela! Bakit hindi mo ako hinintay?" Ibinaba ni kuya ang salamin ng pinto ng sasakyan niya.
"Kuya, it's been four hours, gutom na ako, saka hindi mo ko nirereplayan, ni hindi mo sinasagot mga tawag ko"
"Ela, Surgeon ang kuya ha? Emergency. Humanap ka na kasi ng boypren para hindi na ako ang sumusundo sa 'yo" Binuksan na ni kuya ang pinto at nilagyan ng foot rag yung uupuan ko.
"Makapag-taboy naman to. Sus, Porke wala kang love life, eh gusto mo ako meron, besides kuya, hindi lahat ng lalaki may sasakyan."
Sumimangot si Kuya. As usual, narealize niya may point ako. Kinurot niya pisngi ko sabay sabing "Seatbelt mo Carmela Banana"
BINABASA MO ANG
Memory Park
Romance"I'd trade anything I could just to remember you."--Carmela Jane "Madaming mga bagay at mga tao, dumadaan lang sa buhay ko, hindi ko pinapahalagahan, pero magmula ng nakilala kita, nagbago'ng lahat." Peter Adrian May mga panahon na mas pinipili...