Ang Cupcake

20 0 0
                                    

11 pm. Buti na lang at umuulan. May dahilan para dumito muna siya.

Dati, patay na patay siya kay Alfred, kesyo madami raw alam at hindi nakaka-umay kausap, kaya noong nagmanila ako, sinigurado ko na magiging masarap na ako kausap. Naging asset ko yun. Madaming nahumaling sa akin dahil doon. Pero hindi ko malubos maisip, na kung kailan ako natutong maging makwento, saka naman ako nalimutan ng babaeng gusto ko.

Nakatitig na naman siya sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mahook sa titig niya. Ano kaya ang iniisip niya, naalala na ba niya ako?

"Ui, pagamit naman ng banyo, naka tatlong mug na tayo ng kape naiihi na ko."

Ngumiti ako ng onti, "Sure, direcho ka lang sa may hallway, tapos turn left. First door."

buzz

buzz

Hanggang ngayon ba naman naka-alarm pa rin ang birthday niya sa phone, wala pa ring pinagbago, ganito na siya noon pa. Buti nga vibrate na lang ngayon, dati may epic na ringtone. "Birthday ko ngayon! OO birthday ko ngayon!"

Andito na rin lang siya, might as well bring out the cupcake, like how I would always greet her. Yun nga lang dati cupcake lang na may frosting an sinisindihan namin. Ngayon may birthday cupcake na. Pero teka, kinakabahan ako, parang malamig, masindihan nga yung fireplace.

Sinilip ko siya, nakaupo siya sa may kitchen counter, humihigop ng kape. Ilalabas ko ba tong cake o hindi?

Bulletproof, nothing to loose, fire away, fire away..

"Kuya!" Ang signature na matinis niyang boses kapag kausap ang kuya nia. Sobra silang malapit ng kuya niya. Mabait din sa akin si Kuya dati, hindi ko lang alam kung bakit niya ako biglang pinalayo kay Ela. Sa pamilya ni Ela, si Kuya lang niya at si Lola Tracey ang pabor sa akin. Hindi ko malilimutan yung araw na sinabihan niya akong layuan ko si Ela. Palabiro si Kuya Ken, pero seryosong seryos siya noon.

Masayang masaya si Ela na nakikipag-usap sa pamilya niya. Lagi silang wala kapag birthday ni Ela, kung hindi emergency, kadalasan may convention. Kaya siguro nasanay na si Ela na hindi magcelebrate ng magarbong birthday kahit mayaman sila. Kaming dalawa lang kadalasan magkasama sa birthday niya, maglalakad kung saan saan, tapos bibilhan ko siya ng cupcake na may kandila para hipan niya.

"Love you too guys, ingats kayo" Sumisinghot siya, hay, umiiyak ulit siya. Sigurado nalulungkot siya.

"Hey". Teary eyed siya, gusto kong punasan mga mata niya.

Pagtingin niya sa akin, parang nanigas ang buong katawan ko, parang iba ang tingin niya sa akin. Teka, possible kayang may malala siya dahil sa cupcake na tangan ko? Wala na lang akong ibang nasabi kundi "Happy Birthday Carmela" Nagblush tuloy ako ng bigla siyang ngumiti sa akin. Parang bumabalik yung mga dating tagpo.

"How did you know?"

Ai, kailangan maganda ang palusot ko, kundi mapagkamalan pa akong eavesdropper "Ah...saw your phone reminder habang kaninang asa banyo ka, biruin mo naman maglagay pa ng reminder sa sariling birthday. Well there's cupcake in the ref, so I figure, might as well." Hindi siya kumibo, mukhang may malalim siyang iniisip. Biglang kong nasabing, "Ah...are you not gonna blow the candle?"

Nagblush na naman siya, parang katulad noong una ko siyang binilihan ng cupcake na tinusukan ko ng candila sa gitna para sa 8th birthday niya.

"Ah, yeah yeah, I'l make a wish first."

jLy:

Memory ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon