Wala akong kasabay kumain, libre ka ba?
Hala, ganon na ba ako ka obvious, o talagang madali akong mabasa? Seryoso? pasta, natural mente kakagat ako di ba.
Inantay kong matapos kami ni Ash dito sa appointment namin,sabay nagpaalam agad.
Magrereply na ba ako?
Hmmm..
Bulletproof nothing to loose
Pagtingin ko sa phone, hindi pala siya yun. Si Alfred pala.
"Hello, oh ano problema."
"Porke tatawag, problema agad?" Patawang sambit ng partner ko.
"Hay naku Alfred, ano nga problema?"
"Pwede ba tayong magkita ngayon, importante lang Ela, please?"
"Ah, eh, ah.." Teka, kung pu puntahan ko si Peter, di kaya isipin niya close na kami, may pag mahangin pamandin yung taong yun, sabagay si pa naman ako nagrereply sa kanya. Pero, Pero..hay andaming pero "Oh Sige, dadaan na lang ako diyan sa studio"
"Ah, iniwan ko muna sila Tere doon, sila munang bahala. Magkita tayo sa cathedral"
Mukhang urgent matters nga. Hindi mo basta basta mapapasama si Fred sa paglabas, maliban lang kung, kung. HHAAAY! Bakit ba ako nag-iisip lately nakakainis.
______________
Ayun na siya, maayos ang buhok niya ngayon, nakaupo sa may table, medyo nakasimangot, naiinip na siguro sa pag-aantay sa akin.Napangiti ako habang pinagmamasdan siya sa malayo. Suwail nga naman ang mga paa ko. Ayan, imbes na sa cathedral mapunta, heto ako at makikipagkita kay Peter.
Tumutunog ang takong ko habang papalapit sa pintuan ng restaurant. Ilang hakbang na lang, table na niya. Pero bigla akong nagpreno sa paglalakad. May babaeng may dala ng plato at binigay kay Peter.
Teka, familiar siya, Dark make up, serious face, makapal na eyeliner at killer high heels. Oo nga! Siya si babae yun sa PNR. Yung taklesang, halos umusok ang ilong kung magalit na dark accented ang damit na girl. Huh? Magkakilala sila?
Pinagmasdan ko sila. Nakasimangot si Peter, nakangiti yung babae. Teka, hinawakan niya ang kamay ni Peter. Para akong nakaramdam ng kurot sa puso. Pero ano bang pakialam ko sa kanila di ba?
Makaalis na nga, sabagay, baka GM lang yun sa lahat ng babae niya sa WeChat, ako naman si dakilang mababaw akala totoo na. Makaalis na nga.
"Ela!"
Kahit na nakatalikod ako, alam kong asa likod ko na siya.Lumingon ako.
"Oh, may kasama ka na pala, may sumagot din sa Group Message mo. Dumaan lang ako, aalis na rin ako." Pilit akong nagsalita na may masaya kong boses. Nginitian ko siya.
"Sorry."
Bakit siya magsosorry? Ito ba ang paraan niya para ipamukhang Sorry, ang tagal mo eh, may ibang dumating, o di kaya naman sorry, nabored kasi ako.
"Sorry saan?" Hindi ko naitago ang pagkaasar sa tono ng boses ko.
"Sa lahat."
Nalito ako mas lalo. Hindi ko napansin ang taong papalapit sa likod ni Peter. Inabot niya ang kamay niya sa akin.
"Hi, so you must be Carmela, I'm Hannah. Come join us." Kumapit siya sa braso ni Peter.
"Ah, it's okay, I gotta run, may pupuntahan pa ako."
"But you just got here. Peter is such a boring person to be with, Having heard a lot about you, I guess you'd be a good company."
Ano daw, Nagkwento si Peter tungkol sa akin? Wait what?
Napataas tuloy ang kilay ko kay Peter, seeking for answers in his face pero nakaiwas sa mga mata ko si Peter. Biglang nagsalita ulit ang Taklesang Ate.
"You look just like in the pictures. Ikaw pala ang binalikan niya dito."
Huh? Binalikan? Teka, Pictures? Anong pictures, I just met this Guy. We never had any pictures at all. Gulong gulo ako.
Kaya I used my urgent tone, "Maybe I'll catch you some other time, I really gotta run."
"Ah, Til then, it was nice to see you in person." sabi ni Hannah.
I smiled reluctantly, ngumiti din pabalik si Hannah. I called for a cab.
Bulletproof nothing to loose fireaway, fireaway.
"Asaan ka na?"
"I am on my way."
|Lj0b
BINABASA MO ANG
Memory Park
Romance"I'd trade anything I could just to remember you."--Carmela Jane "Madaming mga bagay at mga tao, dumadaan lang sa buhay ko, hindi ko pinapahalagahan, pero magmula ng nakilala kita, nagbago'ng lahat." Peter Adrian May mga panahon na mas pinipili...