Nagkansela daw ang photoshoot dahil sa paparating na bagyo. Naupset si Alfred sa nangyari. No wonder he was all in a hurry to talk to me. Tinawagan ko na si Ash para ipaalam ang reschedule, at naintindihan naman niya ang delay. Sa susunod na linggo na lang namin ipupush through ang wedding shoot.
Madaming tanong ang gumugulo sa isip ko. Hindi ko maintindihan, hindi kaya dala ito nung aksidente ko noon. Paano kami nagkaroon ng picture na magkasama ni Peter, kilala ko na ba siya dati pa? Kaya ba magaan ang loob ko sa kanya. Baka may mga nakalimutan ako na hindi dapat malimot, OA na kung OA, pero paano nga kung ganun?
Basang basa paa ko. Kahit pa nagtakong ako, wala sinabi ang tubig na rumaragasa sa kalsada tuwing umuulan dito sa Baguio. Pagpasok ko sa bahay, narinig ko sila Kuya at Mama nagtatalo sa taas.
"So totoo nga, he's back."
"Yes ma, from what I heard he is"
"At Kailan mo pa sasabihin sa amin ng Daddy mo yan?"
"Ma, you were still out of the country when I found out. Plus it's not a big deal"
Bigla akong nag butt in. "Ah, What did I miss?"
Nag-ease ang galit na mukha ni mommy. "Oh, andyan ka na pala, look at yourself, you're all wet. Magbihis ka na, don't catch a cold. Manang, ikuhanan mo ng tuwalya si Carmela."
"Ma, Okay lang po ako, how was the convention?" Kinuha ko ang inabot ni Manang na twalya at ipinunas ko sa basa kong buhok, balikat at binti.
"There's nothing new about it." Tinitigan ni Ma si Kuya. Bumaba si Kuya ng Hagdan,
I nod, as if hindi na ako nasanay kung paano mang-snob ang mama sa mga questions ko kapag wala siya sa mood. "Ma, si Dad po?"
"May mga inasikaso lang sa Manila."
Ting dong
"Hi, come in, come in, Ma, Ela, She's here."
Si Ate Vera na siguro yun. Nagmadali akong bumaba sa hagdan. She looks fine. Pony-tail matched with a pretty white blouse accented with golden choker. Mukha siyang mabait. Pinagmasdan ko siyang maglakad papunta sa may salas. Nakahawak siya sa braso ni Kuya, and no wonder Kuya likes her, she has dimples on her left cheeks. She looks oddly familiar.
"Hi, I'm Vera, Vera Andrara, so nice to see you again."
Ngumiti lang ako, hindi ko alam ang sasabihin ko.
Nagpaalam muna ako para umakyat sa kwarto. Kailangan ko mag-isip at magbihis.
You look just like in the pictures. Ikaw pala ang binalikan niya dito.
Creepy.
May picture kami?
"Schneider!" Napatili ako, kuh, nginutnot ng alaga ko yung isang pares ng sapatos ko. Napatigil sa pag-ngunguya yung tuta, tumingala lang siya sa akin. Tinawag ko siya at pinaupo sa hita ko.
Anong ipapangalan mo diyan?
Mabilis kong sinagot kay kuya noon na Schneider ang pangalan ng tutang to. Tumaas lang ang kilay ni Kuya at sumimangot. Hindi ko siya pinansin at tahimik kaming umuwi. Hinipo ko lang ng hinipo itong tuta.
Hindi kami masyadong nag-usap pagkatapos ng biyahe namin sa La Trinidad noong araw na yun.
Si Brix, yung pinsan niya, pinsan ni Alfred? Teka I know I heard his name before that, God! Why can I not remember?
Possible kayang nagka-problema ako sa utak buhat noong nadisgrasya ako noon?
Bang Bang Tok tok Bang Bang Tok Tok
Bumukas ang pinto.
"Di ba may deal tayo? Oh andian na siya, I finally got an appointment with the ever busy Vera tapos andito ka naman nagmumukmok with that dog. Come downstairs."
Tinaas ko ang nasira kong sapatos.
"Well you insisted na dito siya matulog sayo, mayroon naman kasing garahe Ela" Ngumisi na lang si Kuya sa akin.
I suddenly blurted out. "Kuya, may nakalimutan ba ako?"
Naging seryoso ang mukha ni Kuya. "Nakalimutan?"
"Hey you two, halina kayo sa ibaba, kakain na daw tayo" Nakadungaw si Ate Vera sa pinto. She was all cheerful, para tuloy siyang nag-gloglow.
E _q -LFdl
BINABASA MO ANG
Memory Park
Romance"I'd trade anything I could just to remember you."--Carmela Jane "Madaming mga bagay at mga tao, dumadaan lang sa buhay ko, hindi ko pinapahalagahan, pero magmula ng nakilala kita, nagbago'ng lahat." Peter Adrian May mga panahon na mas pinipili...