C

17 1 0
                                    

"Par!" Mula sa pagkakadukdok ko sa armchair ay nilingon kita.

"Oh?" Sabi ko sabay subsob ulit ng mukha ko sa nakapatong na braso ko sa armchair. Masama kasi ang pakiramdam ko, paano ba naman kasi nabasa ako ng ulan kagabi kakahintay sa'yo.

'Di ba lagi tayong sabay umuuwi? Kagabi lang hindi. Kagabi lang ako naghintay at hindi ka dumating.

"May nakilala akong babae. Taga-kabilang section." Excited mong sabi. Babae? Fourth year high school na tayo at ngayon ka lang may nabanggit na babae kaya tiningnan kita habang nakakunot ang noo.

"Sino? Kailan?" Tanong ko tapos 'di ko napigilang mapaubo. Pero 'di mo ata napansin. Kasi abala ka sa pagkukwento.

"Si Chloe. Kagabi lang, parekoy. Nakita ko kasi siyang hindi makalabas ng building dahil wala siyang payong at umuulan. Kaya nag-offer ako na payungan siya at hinatid ko na din siya pauwi. Ang gentleman ko 'di ba?" Mayabang mong sabi. "Tsaka alam mo, Par, ang ganda niya. Tsk, tinamaan na ata ako." Naiiling na sabi mo pero nakangiti ka.

Mukha kang masaya. Kaya hindi ko na sinabing, "Par, hinintay kita kagabi pero hindi ka dumating. Nag-alala ako. Nakalimutan mo atang sabay tayong umuuwi. Wala akong payong par, nabasa ako ng ulan at may sakit ako ngayon."

Tumahimik lang ako, habang pinapakinggan kang magkwento. Tahimik lang ako. Kahit nasasaktan ako dahil nakalimutan mo ako dahil sa bagong nakilala mo.

Bestfriend Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon