J

9 1 0
                                    

Naglakad ka palapit sa akin, dito sa ilalim ng puno sa paborito nating puntahang Park.

"Par? Bakit dito ka nakipagkita? May problema ka ba?" Wow. Dapat ba akong masurpresa? Natatandaan mo pa pala na nagpupunta tayo dito tuwing may problema ka o kaya ako. Kasi tahimik ang lugar na 'to. Nakakapag-isip tayo ng mabuti. Kumakalma tayo.

Merong problema, Trick.
Ikaw. Ito. Tayo.

'Di ko alam kung talaga bang wala kang napapansin o nagkukunwari ka lang. Pero Trick, 'di na normal ang takbo ng friendship nating dalawa. Unti-unti na kasing nasisira.

Tumayo ako at pinagpag ang pinang-upo ko. 'Di din naman ako magtatagal.

"Trick..."

"O par?" Kunot noong tanong mo.

"Pagod na ako. Ayoko ng maging kaibigan mo." Matatag kong sabi.

"Ha?!" Tila nagulat ka naman at hindi inasahang sasabihin ko ang mga salitang 'yon. Bakit, par? Tingin mo ba hindi ako napapagod? Tingin mo ba okay lang ako sa lagi mong pambabalewala? Akala mo parati lang akong nandito, nakatanga at naghihintay kung kailan mo ako ulit maaalala?

"Narinig mo naman. 'Wag ka ng magbingi-bingihan. Nitong mga nakalipas na buwan, mataman kong pinag-isipan 'yan." Deretsong sabi ko.

Nagitla ka. Tila nalilito, tinitigan mo lang ako. "Joke ba 'yan, par?" Ilang saglit lang ay sabi mo.

Umiling ako. Pinilit kong ngumiti bago magsalita. "Kung kaibigan talaga ang tingin mo sa akin, dapat alam mo na hindi ko ugaling gawing biro ang seryosong bagay. Ngayon, mag-isip isip ka, kaibigan ba talaga kita? Parang nitong mga nakaraang buwan, hindi na. Wala kang kwentang kaibigan, Trick. Aalis na ako. Mag-ingat ka pauwi. Mag-ingat ka palagi. At sana hindi na tayo ulit magkita."

Isang payak na ngiti ang iginawad ko sa'yo bago tuluyang tumalikod.

Naglakad ako palayo sa'yo. At sa pagkakataong ito, ako ang mang-iiwan sa'yo.

Tuluyan ng pumatak ang kanina ko pa pinipigilang luha. Pinunasan ko ang mga ito gamit ang kamay ko.

Trick, sa pagkakataong ito, ako naman ang makakalimot sa'yo.

Bestfriend Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon