Fourth year bessary natin ngayon. Chinat kita, sabi ko, "Par? Pwede ba tayong magkita?" Laking tuwa ko ng nagreply ka. Akala ko kasi isi-seen mo lang ulit. Ang tagal na kasi ng huli tayong magkita, noong graduation pa.
"Oo par, sige. Anong oras at tsaka saan? May sasabihin din kasi ako sa'yo" sa 'di malamang dahilan, bigla akong kinabahan. Pero 'di ko pinansin. Sinabi ko sa'yo kung anong oras at kung saan.
Bumili ako ng regalo ko para sa'yo.
Nauna akong dumating sa ice cream parlor na sinabi ko sa'yo. Ilang saglit lang, dumating ka na.
Nang bumukas ang pinto at pumasok ka, napigil ko ang paghinga ko. Paano ba naman kasi, mas lalo ka atang gumwapo. Tumangkad ka, nawala ang ilang tigyawat sa mukha at nagkalaman na ang katawan mo at hindi ka na buto buto.
Ngumiti ka ng makita mo ako. Ngumiti din ako at kumaway sa'yo. "Tara dito." Sabi ko. Lumapit ka sa akin at niyakap ako.
Lahat ata ng sakit na pinaramdam mo ng mga nakaraang buwan biglang nawala. Isang yakap mo lang, okay na ako.
"Par." Sabay tayong nagsalita. Tapos natawa.
"Ikaw na mauna." Sabay na naman.
"Sige sabay na tayo." Sabi natin pareho.
Hinawakan ko ang regalo ko para sa'yo tapos huminga ng malalim.
1. 2. 3.
"Happy fourth-
"Kami na ni Chloe, par! Sinagot na niya ako."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Para akong nabingi sa mga salitang binitawan mo.
Kayo na...
"Kailan pa?" Mahinang tanong ko.
"Kanina lang." Masayang sagot mo.
Nanghina ako, Trick. 'Yung sakit na inalis ng yakap mo, binalik ng triple ng mga salita mo.
"C-Congrats." Pabulong ko lang nasabi. Ang sakit.
"Salamat! Ang saya saya ko par." Oo. Kitang-kita ko nga. "Ano nga ulit sasabihin mo?" Tanong mo.
Ngumiti ako ng mapait. Dati-rati tuwing bessary natin ikaw ang nauunang bumati. Ngayon nakalimutan mo na.
"Happy fourth year bessary." Inabot ko pa din ang gift ko sa'yo. Nagulat ka pa nga.
"S-Sorry. Nakalimutan ko." Sabi mo.
Ngumiti lang ako ng mapait. "Alam ko."
Simula ng dumating siya, nakalimutan mo na ako.