E

14 1 0
                                    

Ang hindi ko lang agad nalaman, ay 'yon na pala ang simula ng unti-unti mong pagkawala.

"Par, 'di kita masasabayang mag-lunch mamaya ah. Inaya ako ni Chloe eh." Sabi mo.

"Sige lang." Sagot ko. Sige lang, wala naman akong choice kundi pumayag. Sino ba naman ako para magtampo o bawalan kang 'wag sumabay sa kanya?

Nakaramdam ako na parang mumunting kurot sa puso ko. Nasasaktan na naman ako. Siguro dahil hindi ako sanay na hindi kita kasama. Kasi best friend kita eh. Tama, best friend kita.

Ang sabi mo, lunch mo lang ako hindi masasabayan. Pero bakit pati pagdating ng uwian, sa kanya ka pa din sumabay?

"Ihahatid ko lang si Chloe, par. Gabi na kasi. Delikado na." Sabi mo. Tumango lang ako.

Ako par, hindi mo ba inaalala? Gabi na. Delikado na. Pero hahayaan mo akong umuwi mag-isa? Napahawak ako sa dibdib ko ng manikip iyon. Nakakapanibago. Nagbabago ka na.

Lumipas ang ilang araw...hanggang sa naging ilang linggo na lagi ng ganoon. Mas madalas mo na siyang kasama kaysa sa akin.

Parang na-etsapwera ako. Ako na best friend mo. Gabi-gabi ko 'yong iniyakan ng lingid sa kaalamanan mo. Tsaka, ano ba namang pakialam mo? Halos hindi mo na nga ako maalala.

"Tama nga siguro ang sabi niyo na hanggang magkaibigan lang kayo." Sabi sa akin ng kaklase natin, isang araw.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nakita ko kasing may kasama si Trick sa soccer field. Magkahawak-kamay sila." Sagot nito.

At noong araw na 'yon, pakiramdam ko nadurog ang puso ko.

Bestfriend Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon