G

12 1 0
                                    

Ngayong hindi na tayo magkaklase at nasa UP ako at nasa Ateneo ka-kasama ang babaeng laging bukambibig mo, mas lalo kong naramdamang nawawala ka na sa akin.

Umabot nga sa punto na sa chat na lang tayo nag-uusap. Pero madalang pa sa patak ng ulan kung mangyari 'yon. At laging ako ang nauunang kumausap sa'yo. Kung minsan nga hindi ka pa nagrereply.

Mauie Patricia y Ferrer: Par?

Patrick Sevilia: Uy Par, kamusta?

Natuwa naman ako dahil naisip mong kamustahin ako.

Kasi 'yan 'yung bagay na parang nakalimutan mo na atang itanong sa akin.

Mauie Patricia y Ferrer: Okay lang naman. :) Ikaw?

Mauie Patricia y Ferrer: Par?

Mauie Patricia y Ferrer: Nandyan ka pa?

Seen 12:12 AM

Napatawa ako ng pagak. Hindi lang 'to ang unang beses na na-seen mo lang ang message ko pagkatapos hindi mo na papansinin.

Tapos ako na naman, magchachat ulit sa'yo, tapos isi-seen mo na naman.

Paulit-ulit na lang.

'Di ko na namalayang napahikbi na pala ako.

Tangina, par. Masakit na talaga.

At sa gabing 'to, hindi ko na napigilang isipin ang katotohanan.

Oo na, par.

Aaminin ko na...kahit sa sarili ko lang muna.

Par, mahal na kita.

Higit pa sa pagiging best friend.

Pasensya ka na, 'di ko napigilan.

Hindi ko naman agad nalaman.

Sana pala una pa lang, 'di na ako nakampante.

Kasi hindi nga ikaw 'yung unang lalakeng naging best friend ko...

...pero ikaw naman 'yung unang best friend ko na minahal ko.

Bestfriend Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon