I

12 1 0
                                    

Sabi mo babawi ka. Pero nung oras na naghiwalay na tayo ng daan, nawala ka na naman. Agad. Akala ko ba babawi ka?

Bakit kahit sa chat lang hindi mo pa ako magawang makausap? Ang laking abala ko ba talaga? Na kahit simpleng "Hi" lang 'di mo masabi?

Dumaan ang ilang araw na wala akong natanggap ng message mula sa'yo.

Hindi ko na napigilang mainis. Magalit. Nakakapikon na palagi na lang ganito. Palagi na lang akong nasa dulo ng priority list mo. Teka, kasama nga ba ako? Baka kahit sa pinakadulo, wala ako.

Mauie Patricia y Ferrer: Trick, magkita tayo sa sabado. May sasabihin ako.

Kung ibang pagkakataon ay baka natuwa pa ako dahil sa wakas, nagreply ka. Pinansin mo ako.

Patrick Sevilia: Anong sasabihin mo, par? Sige. Chat mo na lang ako.

At sa pagkakataong ito, ako ang nang-seen sa message mo. Kasi wala eh, nasagad na pasensya ko. Napagod na ako kakahintay para sa kakarampot na atensyong kaya mong ibigay. Kahit bilang best friend mo man lang.

Kasi best friends tayo 'di ba?

Ganon ba talaga kapag nakahanap na ng taong mamahalin? Biglang mawawalan ng pwesto sa buhay mo ang best friend mo?

Best friend na nga lang ang titulong hawak ko sa buhay mo, inaalis mo pa.

So ang swerte ko pala...o malas? Kasi ikaw na ang best friend ko, ikaw pa ang taong mahal ko. Edi ang laki ng sakop mo sa puso ko? Ang laki ng pwesto mo sa buhay ko. 'Yon nga lang, 'di mo 'to kailangan. 'Di mo ako kailangan.

Kasi ano? Best friend mo lang ako.

At siya? Mahal mo.

Bestfriend Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon