K

9 1 0
                                    

Alam kong ako ang may gusto nito-ang tapusin ang pagkakaibigan nating dalawa. Ang lakas ng loob kong talikuran ka, pero aaminin ko...sa loob ko, umasa ako na gagawa ka ng paraan para magkaayos tayo.

Na tatadtarin mo ako ng chat. Itetext, tatawagan ng paulit-ulit o kaya pupuntahan sa bahay at hihingi ng tawad at sasabihing babawi ka.

Pero wala, Trick.

Wala kang ginawa.

Buwan na naman ang lumipas at eto na naman ako, naghihintay.

Tangina.

Akala ko tapos na ako sa ganito. Pero eto pa din ako, nagbabaka-sakaling maalala mo ako.

Nagbabaka-sakaling gumawa ka ng paraan para magkaayos tayo.

Lumipas pa ang mahabang panahon. Naging tambayan ko na araw-araw ang Park na pinupuntahan natin dati.

Pero walang Trick na dumarating.

Natauhan na din naman ako.

Naisip ko na baka pabor naman sa'yo 'yung nangyari.

Na baka nagustuhan mo 'yung sinabi ko.

Na wala na.

Tapos na 'yung pagkakaibigan nating dalawa.

Kasi, Trick...alam mo naman kung paano mo ako mako-contact 'di ba?
Alam mo naman kung paano mo ako mapupuntahan pero mas pinili mong 'wag magparamdam.

Kung gugustuhin mo lang, madali mo akong malalapitan. Kilala kita, gagawa at gagawa ka ng paraan para masunod ang gusto mo. Kung mahalaga ako sa'yo, 'di mo ako matitiis ng ganito katagal.

Pero hindi eh. Sumang-ayon ka sa desisyon ko.

Siguro kasi 'yun din ang gusto mo-

-Ang mawala ako sa buhay mo.

Ako, na dating best friend mo.

Bestfriend Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon