B

23 2 0
                                    

Palagi tayong magkasama buong araw. Araw-araw, tuwing nasa school tayo. Magkasama tayong mag-aral, kumain at mangtrip. Tayong dalawa lang. Sa loob ng mahigit tatlong taon, tayo lagi ang magkasama. Pinipilit nga natin lagi na nasa iisang section lang tayo.

"Kayo ba?"

"Uy para kayong magjowang dalawa."

"Siguro MU kayo 'no?"

Ganyan ang madalas na sinasabi ng mga kaklase natin sa ating dalawa. Pero tatawanan lang natin sabay sabing, "Yan? Syota ko? Yuck, nakakasuka." Nakaturo pa tayo sa isa't isa habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Tapos sabay pa tayong aakto na para bang nasusuka.

"Kita niyo? Sabay pa kayong magsalita at parehas na parehas pa kayo ng sinasabi. Bagay nga kayong dalawa." Komento ng kaklase natin.

"Hindi lahat ng mag-best friend na babae at lalake ay nagkakahulugan ng loob. Dapat alam mo sa sarili mo 'yan bago ka makipagkaibigan. Masyado ng cliche ang ganyan, at hindi ako matutulad dyan." Sabi ko. Umiling-iling pa ako bago nagpatuloy, "Hindi kami talo. Best friends lang kami. Hanggang doon lang 'yon."

Ikaw naman, tumingin ka sa akin ng mataman bago magsalita. "May mga taong bagay lang, pero hindi para sa isa't isa. Magkaibigan lang kami talaga." Tapos ngumiti ka.

Tapos ngumiti din ako.

Sapat na para magkaintindihan tayong dalawa.

Oo alam ko, magkaibigan lang tayo. Hanggang doon lang dapat 'yon.

Hanggang doon lang 'yon.

Bestfriend Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon