March Sanchez
huminga ako ng malalim, habang malamig na pawis ang tumulo sa gilid ng mata ko,
ramdam ko naman ang dibdib ng isang tao na humihinga rin ng malalim, mga kamay niya nasa mata ko pa rin
"dumiretso ka lang", pagbulong niya sa akin, saka ako tinulungang makatayo uli ng maayos habang naglakad ako papalabas.
hindi niya tinanggal ang kamay niya sa mata ko at dahan-dahan akong sinabayan sa paglalakad ko papaalis ng horror house.
naramdaman ko na ang tela ng kurtinang ginamit bilang exit. hinigit ko ito habang naglakad ako papalayo at narinig ko na ulit ang maingay na kapaligiran. nakapikit padin ako ng paglabas ko pero hindi ko na nararamdaman yung kamay na humawak sa akin kanina
sino siya? at bakit niya ako tinulungang lumabas?
"March!", pag-aya ni Vince kasama sina Lexel at Clark sa may exit gate
"san na tayo?", tanong ko sa kanila
nakita kong magsasalita si Vince. Pero napalunok siya saka hindi niya na tinuloy. napakunot ang noo ko kaonti dahil doon.
May tinatago ba sila?
"uuwi na sana tayo kasi hindi na kinaya ni Marielle. Pero narinig ni Vince na may fireworks display mamayang.. 9:00 P.M. kaya ayun stay muna tayo for awhile", ani Lexel habang kinakalikot ang phone niya
sayang naman wala si Acel, may fireworks pa naman.
"tara muna kain tayo", ani Clark
"gutom ka nanaman?", asar ko sa kanya
"oo gutom. Gutom sa pagmamahal", hugot niya
"lalim ah? san mo nakuha kay Lexel?", Asar ni Vince
"hoy hinde", ani Clark
"oo na tara na Clark. Gutom ka na diba halika pakainin na kita", sinabayan naman ito ni Lexel
"ano ipapakain mo?", nanlaki ang mata ni Vince
"Laspag pa", binatukan ko siya
"yan nood pa", ani Clark
"hmp", nag-pout naman si Vince
"tara na kain na muna tayo", hinila kami pareho ni Clark at ni Lexel
napunta kami sa isang food truck na nakakalat sa resort. naka-order na kami, naglalakad na lang kami ngayon sa madamong bahagi nung resort. tas nung makahanap kami ng pwede maupuan, dun na lang muna kami pumwesto
saka ko napagtanto na kulang kami. Nasan na sila Leo?..
"san pumunta sila Cross?", tanong ni Clark
nakinig naman ako habang kinakain yung pagkalaki-laking burger na nilibre sa'min ni Vince
"ewan. mag-iikot ikot lang daw sa souvenir shop, ganun din ata kanila Leo", sagot ni Vince na puno ang bibig
"okay ka lang March?", biglaang tanong sakin ni Lexel. Dahilan para mabulunan ako sa kinakain ko
"h-ha?", umubo ako
"okay ka lang kako. Wala kasi si Acel nagtataka lang ako kung nalulungkot ka kasi hindi mo siya kasama ngayon", sagot naman nito saka uminom ng coke na nasa lata
"hmm", pinunasan ko ang labi ko
"oo. Kasi-", natigilan ako ng muntik ko na sabihin ang isang nakakahiyang bagay na patungkol sa akin
shet. alangan naman na may ideal date ako na ganon diba? nakakahiya masyado tyaka parang pangarap ng isang 10 years old
"wala lang nalulungkot lang talaga ako kasi gusto ko siya kasama. siguro nasanay lang", kumibit balikat ako
BINABASA MO ANG
•|•Four Shades♦Jungkook ff•|•⚠TAGALOG⚠
Fanfic"Ano nanaman ba kailangan mo?!", Paangas nyang sinabi sa akin. "may problema ka, at kaya kitang tulungan, bakit ba ayaw mo nalang ipaubaya sakin para gumaling ka na?!", sagot ko naman sa kanya hindi ko nakilala ang sarili ko nang mga panahon na yon...