•|•THIRTY•|•

55 1 0
                                    

(Wait heoll WAIT ITS CHAP THIRTY OMFG I CAN FEEL THAT THIS BOOK WOULD STILL LAST LONG)

Mason Lee

Nagising ako sa amoy ng itlog na niluluto ni Andy, Walang pake na hindi pinansin ang masarap na pagkain na ihinahanda niya, Tumagilid ako sa pagkakahiga ko at niyakap ang unan na nasa tabi ko, Huminga nalang ako ng malalim, iniipon ang lahat ng makakaya ko para malimot ang nangyare noong isang araw

Mas may aasikasuhin pa akong higit na mahirap, Higit na komplikado, at higit na masakit, Kaysa sa lutuin sa baba

Nang marinig ko ang pagkatok sa pintuan ko, Nagkunwari akong tulog. Nang maramdaman ko si Andy sa may dulo ng kama ko, Saka siya umupo, Lumubog naman ako kaonti dahil dito.

"I'm sorry if you're hurt", He sighed

"Dapat hindi nalang kita binigyan ng pag-asa, Mas lalo ka pang nasaktan. Kasalanan ko'to", di ko maiwasan na masaktan sa sinasabi niya, Kahit hindi ko siya pinapansin, And kahit nairita ako sa kanya kasi mas pinili niya yung Acel na yun, He's like my own brother..
I can't leave him out.

"I wish you the best Mason", Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko na hinahaplos ito

nang paalis na siya, Agad akong bumangon,"Anderson"

Tumigil siya sa paglalakad, saka lumingon sa akin

"thank you, For believing", I smiled

"Welcome", He smiled shortly before locking the door, leaving me alone in my room

Sumandal ako sa head rest saka ipinikit ang mata ko, Isang luha na pumatak sa pisngi ko. Hindi ko maitatanggi na tunay ang sakit na nararamdaman ko, Masakit para sa'kin na yung taong minamahal mo, pag-aari na pala ng iba.

Ang gusto ko lang para kay March na mahalin niya rin ako

At hayaan niya din ako na mahalin siya..

"Just let me love you.."   

•°•°•°

Kasalukuyan akong nakaupo sa park na pinupuntahan namin nung highschool pa kami.

Marami sa park na'to ang nagbago, dati ang makikita mo lang dito swing tyaka yung pavillion, Mga benches, St mga magagandang halaman, Pero ngayon yung swing may sand box na, May slide na, May ibang rides pa nga eh, Pero hanggang carousel nga lang.

"Hoy! Ano ba?", Tiningnan ko si March na nagtatampururot sa giliran ko

"Gusto kong makasakay sa isang carousel, Kailan kaya nila gagawin to dito? Nalalanta natong park nila oh! Parang tayong dalawa lang ang laging tao dito Tsk hahaha", biro niya

"Siguro pag meron na eto una nating date", Muntik ng tumulo laway ko sa nasabi ko

"Anong date?", Tawang tawa niyang sabi

"Malay mo diba", Kinindatan ko siya

"Tse"

"Ka rin"

"Ayyst!"

Ngumiti ako sa ala-ala.

Ano nga ba ang magagawa ng ala-ala? Magpaalala lang ng sakit ng nakaraan diba? Magpaalala lang na yung taong minahal mo na wala ka talagang pag-asa sa kanya.

•|•Four Shades♦Jungkook ff•|•⚠TAGALOG⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon