•|•THIRTY NINE•|•

23 0 0
                                    

March Sanchez


"Akala ko di ka pupunta. Punyeta", sabi ko sa kanya

"Pag sinabi ko na pupunta ako masisira yung surprise", naramdaman ko siyang ngumiti sa likuran ko habang yakap yakap ako

"Nyemas talaga", napapout ako sa sarili ko

Tumayo si Acel ng maayos saka hinagkan yung pisngi ko bago niya ako tingnan.

"Ang ganda mo talaga",

Napasinghal ako. Saka inalis ang tingin sa kanya,"tse. Tumahimik ka nga"

"Totoo naman eh", Inikot niya ako para mapaharap sa kanya.

Hinila niya ang mga kamay ko at ipinatong sa balikat niya saka itinaas ang baba ko para titigan ko siya sa mata

"Ano nanaman to Acel Kim?", Tinaasan ko siya ng kilay

"Wala lang"

".. Gusto ko lang tingnan yung rason ng kasiyahan ko. Ang ganda niya pala. Sobrang ganda. Lalo na sa malapitan", He smiled sheepishly, While pecking my lips

"Tangina ka. Pinapakilig mo ba'ko?", tumawa ako

"Pano pag sinabi kong oo?", he mocked

"Gusto ko lang naman sabihin na tumatalab yang nga sinasabi mo", I pinched his cheeks

"Jusko napakalandi nga naman talaga", sabi ni Cross na kakarating

"Nawala lang ng saglit mukhang enjoy na enjoy ah", pasunod ni Clark

"Ano ba yan!", reklamo ni Acel

"panira talaga kayo ng moment", Nagpout siya

Tumingkayad ako at hinila yung tenga niya,"just wait hun"

"I like the sound of that", He whispered back

"Nako, nako. Patulugin nyo kami ah", ani Vince

"Inamo", sabi ko

"Happy birthday March!!", Sumigaw silang lahat. habang nagpaputok ng party poppers si Lexel na biglang lumitaw kung saan

"Paano nyo pala nalaman na birthday ko? Lalo na to si Acel?.. Sa pagkakaalam ko wala akong sinasabi sayo", Pagtataka ko

"Sinabi namin", Nagsalita si Mace

"Kayo ni Andy?", gulat kong sabi

"Oo", pagsang-ayon naman ni Anderson

"Natatandaan nyo pa? Hindi ako naghahanda ah!", Tuwa kong sagot

"Hinding-hindi namin makakalimutan yon noh!", Sabi naman ni Anderson

"Kami pa ba?", umirap si Mace, proud na hindi nakalimutan ang birthday ko

"Oo na kayo na", ani ko sa kanila

"edi pati yung pag-stay nung iba kasama sa plano mo?", Humarap ako kay Acel, habang tinataasan ko siya ng kilay

"hehe", sabi nito

"Ewan ko sa inyo", Pag-proklama ko

Tumawa silang lahat. Nagsipuwesto na kami sa isang pabilog na lamesa at nagsimula nang kumain

Napakasarap sa pakiramdam na makaranas ng handaan tapos kasama mo mga taong nagpapasaya sayo.

Sumubo ako ng kanin. Pero napatigil ako ng nakita ko si Acel pinatong ang baba niya sa palad nya habang nakatingin sa'kin.

Tiningnan ko siya, pero ngumiti lang ang tukmol

"Baka naman matunaw tong kinakain ko", sambit ko ng hindi tumitingin sa kanya bago ko kinain yung nasa kutsara ko

•|•Four Shades♦Jungkook ff•|•⚠TAGALOG⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon