Chapter 2

40 0 0
                                    

Chapter 2. Mr. Stranger

<Grace's POv>

Matapos nung gabing sinabi nyang uuwi na sila sa Pinas ay hindi na sya ulit tumawag sakin. Ni wala manlang syang pasabi. Mejo nag aalala na din ako sa kanya, kasi nga ang layo nili diba, so wala talaga akong balita sa kanya. Kahit sa facebook ay wala syang paramdam.

Mabilis na lumipas ang mga araw, Malapit na pala mag pasukan, almost two weeks na ding hindi tumatawag si bestfriend. Teka, diba ang sabi nya lastweek pa dapat sila uuwi. hay naku! Sabi na nga ba nag titrip lang yun eh.

argh! Iniisip ko nanaman sya! Ano bang problema sakin? kakaasar na ah! hmpft!

Bago pa ako tuluyang mabaon sa malalim na iniisip ay mag simula na ang mag ayos ng sarili. Kailangan ko nga pala kasing pumunta sa school ngayon para mag enroll.

Second year Information Technology student na ako ngayon.Naisipan kong mag enroll ng maaga kasi hassle kapag nag pa-late pa ako,  sobrang haba na kasi ng pila sa registrar nun eh.

Sa school namin normally kung sinong magkakasabay sa enrollment ay yun ang magiging mag kakaclassmate, since wala naman talaga akong tropa sa school ay wala akong pakialam kung di ko man kilala ang mga magiging classmates ko.

As expected, pag dating ko sa school ay wala pang masyadong tao dun sa registrar, buti naman kasi wala talaga akong pasenya sa pila.

Pagkakuha ko ng pre-enrollment form ay pumunta na muna ako sa may bench para mafill-up yun.

Tahimik lang akong nag susulat nung may maramdaman akong tumabi sakin. 

Hindi ko sana sya papansinin  kaso bigla nya naman akong kinausap.

"Uhm, miss?"

Limingon ako sa kanya, wow! Ang pogi nya naman! parang gusto ko syang titigigan ng matagal kaso nakakahiya naman ata yun.

"Y-Yes?" I stammered. Asar! Bat ba kasi may ganitong kagwapong nilalang na basta nalang susulpot sa tabi ko. Di tuloy ako makapag focus.

"Pwede bang mag patulong dito?" saka nya ipinakita sakin yung pre-enrollment form nya.

"Uhhh. Anong bang problema mo jan?" I asked him. Kasi madali namang ifill-up yung form kaya hindi ko alam kung ano bang maitutulong ko.

"Eh kasi, transfer student ako dito sa school eh, kaya hindi ko alam kung ano bang dapat kong isulat dito." ang tinutukoy nya ay yung mga subjects na itatake nya para sa semester na yun.

"Ah, nandun yan sa bulletin. hanapin mo nalang dun yung course mo."I said while pointing the bulletin board.

"Ganon ba? Salamat."

Ang akala ko ay aalis na sya sa tabi ko pero naupo lang sya dun, tiningnan ko kung anong ginagawa nya.

Sinusulatan nya lang yung form nya, kaya hindi ko na sya pinakialaman pa. Nag focus nalang ako ulit sa ginagawa ko.

Maya-maya ay tumayo na sya.

"Uhm, sige miss. Punta muna ako dun." 

Di ko na sya tiningnan, syempre ayoko namang magpahalata na mejo interesado ako sa kanya.

Maya-maya naman ay bumalik din sya. Hindi sya umiimik tapos ay naupo lang sya sa tabi ko. 

Errr. ang wierd naman ng taong toh. Ang dami namang bench na bakante dito pa din sya tumatabi sakin. 

Teka! Hindi kaya may gusto sya sakin?! Wow!! Ang ganda ko naman! Hahahaha!! Ang haba ng hair ko! wooh! Feel na feel ko to!

"Miss, can I ask you something?" he asked.

BEST FRIENDS FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon