Chapter 9

10 0 0
                                        

Chapter 9. Heart Break 

<Riuji's POV>

Wow! Ang bilis! Tapos na agad ang isang sem. Nakakatuwa, di ko akalaing mag eenjoy ako dito sa Pinas.

Busy akong nag aayos ng mga gamit na dadalhin ko, naimbitahan kasi ako sa debut ng pinsan ni Grace na si Saika.

Pinagdala ako ni Bes ng pang palit kasi after daw ng party ay mag oovernight swimming daw kami dun sa pool sa bahay ng pinsan nya eh. Naks! Rich!

Nauna na dun sina grace at ang family nya, kaya susunod nalang ako.

*Bzzt Bzzzzt* 

naramdaman kong nagvibrate yung phone ko kaya tiningnan ko na agad kung sino ang natawag.

"Hello Bes." sinagot ko agad yung call nung nakita ko na si Grace yun.

"Nasan ka na? 7 ang start ng party!" aray! sakit sa tenga. Tama bang sumigaw?

"I'm on my way." 

"bilisan mo! Pag nalate ka, jojombagin kita!" aw. nag banta pa.

"ok. ok. Wait lang. Tawag nalang ako mamaya. Bye!" binaba ko na yung phone tapos ay nagmadali na akong umalis.

Nagdrive na ako papunta dun sa binigay na address sakin ni Grace, within 10 mins ata nakarating ako, takot ko nalang dun sa Bestfriend ko na parang amasona pag nagagalit.

Nakita ko naman syang nakaabang sa may gate ng isang bahay. wow! She looks dazzling, ang ganda-ganda nya, kaso nakakatakot yung tingin nya.

"You're late!" bungad nya sakin pagkababa ko ng kotse.

"Im sorry! Traffic eh." 

"Amabagal mo kasi kumilos!" aray! sanay na sanay talaga syang sinisigawan ako pag nakakagawa ako ng kasalanan.

"Sorry na! Nag simula na ba ang party?" lalong dumilim yung aura nya dun sa tanong ko. Naku! Mukang late nga talaga ako.

"Oo! Pasok na tayo." hinayaan ko nalang syang hilain ako papasok ng bahay.

Pag pasok ay agad nya akong ipinakilala sa debutant na si Saika, pareho silang mag pinsan, muka ding mataray ang isang yon. Sunod naman ay ipinakilala nya ako sa mga kaibigan nya, at sa iba pa nilang mga pinsan.

Engrande ang naging celebration ng debut, masarap din ang mga pag kain.

Napansin kong numinipis na ang mga tao, pag patak ng 11 pm ay kakaunti na kaming naiwan.

"Guys, dun na po tayo sa may pool para mas masaya." sabi nung debutant.

Nag sisunuran naman ang lahat.

"Bes, mag papalit muna ako ah?" paalam sakin ni Grace, pansin ko na sa tuwing aalis sya sa tabi ko ay palagi syang nag papaalam. Siguro iniisip nya na baka ma-out of place ako.

"Sige lang Bes." 

Naupo ako dun sa may terrace. Nag eenjoy kasi akong panuorin yung mga girls na naka swim suit na naghahabulan sa tabi ng pool eh. Hehehe. Daming pag pipilian.

"Pre, inom ka muna." inabutan ako ng isang baso ng alak nung lalaking palaging kasama kanina ni Saika.

"Salamat." Itinaas ko ng bahagya yung baso saka ako uminom.

"I'm Chad by the way." pakilala nya habang inaabot ang kamay sakin.

"I'm Riuji." I said before I shook his hand.

"Girlfriend mo ba si Grace?"

"Bestfriend ko yun." maikli kong sagot.

"Hanggang kelan?" anong trip ng taong toh? ang labo mag tanong.

BEST FRIENDS FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon