Chapter 4. I don't believe in LOVE
<Riuji's POV>
"No, masaya na ako ng ganito." yan ang sagot ko sa kanya nung tinanong nya ako kung ayaw ko daw ba ng seryosong relasyon.
Tsk! Who am I kidding? Masaya? Kalokohan! Paano ako magiging masaya sa ganito?
siguro nga naniwala si Grace sa sinabi ko, pero kahit kailangan hindi ko maloloko ang sarili ko. kahit kelan hindi ako magiging masaya.
Bata pa lang ako natutunan ko na kahit kailan hindi magiging kuntento ang isang tao.
Palagi kang magkakaron ng kagaaw kaya dapat kumuha ka lang ng kumuha hanggang kaya mo.
Sapat na ang nakita kong paghihirap ni mommy, para matutunan kong wag iasa sa iba ang kaligayahan ko.
Bibihira ko lang nakasama si daddy, mabibilang lang siguro sa daliri. Bakit?
Kasi pangalawang pamilya nya lang naman kami eh. Pinanagutan nya si mommy nung ipinagbuntis nya ako, naniwala naman si mommy na mahal sya ni daddy, palagi syang umaasa na pupuntahan kami ni daddy pero hindi ito dumadating.
Hindi sya nagkukulang sa pagpapadala samin ng pera, ang akala nya siguro yun lang ang kailangan namin ni mommy, hindi nya naisip na kailangan din namin sya, palagi syang tinatawagan ni mommy pero hindi sya sumasagot, nakikita kong umiiyak si mommy pero wala akong nagawa.
Isang araw, nakita namin si daddy sa mall, bata pa ako nun. Nakita kong may kasamang bagong pamilya si daddy, hawak pa nya ang kamay ng isang bata na mukang pitong taon palang. Tapos ay nagkagulo na sila, galit na galit si mommy at sinugod nya sina daddy. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nun, umiyak lang ako ng umiyak. Wala na din akong nagawa nung makita kong sampalin ni daddy si mommy.
Pagkatapos nun ay napagdesisyonan na ni mommy na mangibang bansa kami, kahit hindi sya nagsasalita alam kong sobrang nasasaktan sya, mahal na mahal nya si daddy pero hindi sya nagawang mahalin nito.
Mula nun, natutunan ko na hindi totoo ang pagmamahal, pag nagmahal ka sigurado kang masasaktan. That would never happen to me, tama na yung ganito. Masaya na ako sa katotohanang pag hindi ako nagmahal ay hinding hindi din ako masasaktan.
"Salamat sa paghatid Bes. Ingat ka sa byahe ah?" I snapped back nung marinig kong mag salita si Grace.
"Sige, Bye!" nginitian ko lang sya, tapos ay nagdrive na ako palayo.
walang nakakakilala sakin, kahit si Grace na bestfriend ko ay hindi talaga ako kilala. Pero pag kasama ko sya, nararamdaman kong masaya talaga ako.
Bago umuwi ay naisipan kong dumaan muna sa bar, alam ko kasing pagdating ko sa bahay ay magiging miserable nanaman ako katulad ni mommy.
Tahimik akong naupo sa isa sa mga table. May lumapit naman agad na waiter sakin saka ko ibinigay ang order ko.
Maya-maya ay may lumapit sakin na babaeng nakasuot ng maikling short at sleeveless shirt. Mukang galing sya dun sa kumpulan ng mga babaeng kanina pa nakatingin sakin.
Nginitian ko yung girl habang papalapit sakin. Muka namang kinilig sya.
"Hi! May kasama ka ba?" tanong nya sakin nung makalapit na sya.
"Wala. Gusto mo ba akong samahan?" tuwang tuwa naman sya sa sinabi ko.
"Sure!" sabay upo nya sa tabi ko.
Tiningnan ko sya sa muka, muka naman syang maganda. Pwede na ding pampalipas oras.
Sinamahan nya akong may inom, habang nandun kami ay ramdam ko na dikit sya ng dikit sakin. She was flirting with me. Syempre game naman ako, inaantay ko lang na tamaan ako ng konti.
"Do you have a girlfriend?" she asked me.
Tiningnan ko sya, saka ako ngumiti. "Wala, pero meron na ngayon." habang sinasabi yun ay dahan-dahan kong ipinapatong ang kamay ko sa mga hita nya.
Muka namang nagulat sya, pero katulad din ng iba ay hinayaan nya lang akong hawakan sya.
Sa mga ganitong pagkakataon ay lalo kong napapatunayan na ang mga babae hindi dapat sineseryoso.
Hinahawakan ko sya kung saan ko gusto. While my hands are making its way under her shirt a started kissing her.
Naramdaman ko naman ang kamay nya na kumapit sa batok ko. this is what I like about girls, they are very much capable of pleasing me.
"You wanna make out?" bulong ko sa tapat ng tenga nya.
Tumango sya bilang sagot sa tanong ko.
Dinala ko sya sa motel na malapit din dun sa bar. There she pleased me. Ginawa ko din kong anong gusto kong gawin. We had fun.
Pagkatapos nun ay umalis na din ako, iniwan ko na sya sa motel matapos bayaran yung kwarto. No strings attached, yan ang gusto ko. I can easily dump a girl kapag sawa na ako sa kanya, ganito na talaga ang gawain ko, natutunan ko kasi na kapag nagtatagal ang girlfriend ay nagsisimula na din silang maging demanding, at yun ang pinaka ayaw ko.