Chapter 8

11 0 0
                                        

Chapter 8. Ang saya!

<Riuji's POV> 

Tanghali na akong nagising nung sumunod na araw, tutal naman before lunch ang usapan namin ni Grace.

Naisipan kong mag luto muna ng agahan bago mag prepare, kaso pagpasok ko sa kusina ay nakita ko si mommy na naka upo sa may lamesa.

Tsk! Mukang umiiyak nanaman.

"Mommy, kumain ka na?" baliktad noh? Sa halip na si Mommy ang mag asikaso sakin, ako itong nag aasikaso sa kanya.

"Wala akong gana." sagot nya.

Mukang kauuwi nya lang, kasi hindi pa sya nakakapag palit ng damit, siguradaong magdamag nanaman syang nag inom. 

Ganito ang buhay namin pag kami lang dalawa, miserable. Hindi ko na maalala yung huling beses na nakapag usap kami ng matagal ng hindi nag aaway. Muka lang kaming masaya sa harap ng ibang tao.

"Nag inom ka nanaman." palagi naman syang ganyan, buti nga ngayon nakauwi sya mag isa, pero karaniwan may mga tumatawag sakin para sunduin sya sa kung saang bar sya nag inom.

"Nasasaktan kasi ako anak." umiiyak nanaman sya.

"Wala namang kwenta yung iniiyakan nyo eh." tinatlikuran ko na sya, sawang sawa na kasi ako na pag usapan pa si Daddy.

"Mahal ko sya." ayan nanaman, napakatagal ng nangyari yun pero hanggang ngayon hindi pa din sya nakakarecover.

"Wag na kasi kayong mag mahal, paulit-ulit lang naman kayong nasasaktan. Gumaya kayo sakin, sarili ko lang ang mahal ko, hindi ko iniaasa sa iba ang kaligayahan ko, kaya hindi ako nasasaktan." humarap ako sa kanya pag kasabi nito.

"Mali yan anak." sagot nya habang patuloy pa din sa pag iyak.

Sawang-sawa na ako sa ganito!

"Mali?! Mali ba na piliin kong wag maging miserable katulad nyo?" nagulat ako ng bigla nya akong sampalin. Ito ang unang beses na ginawa nya to sakin.

"WALANG KWENTA YANG PUSO MO, KUNG SARILI MO LANG ANG MAMAHALIN MO!" sigaw nya.

Nagulat ako ng sobra sa ginawa nya kaya pumasok nalang ako ulit sa kwarto, siguro nga sumobra ako sa sinabi ko, pero wala akong balak humingi ng tawad.

Naisipan ko nalang na mag ayos na para sa lakad namin ni Grace mamaya. Nung makatapos ako ay lumabas na ako agad ng kwarto.

Nakita ko si Mommy na nakaupo sa sala, nakatingin sya sakin na parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sya nilingon, hindi na din ako nag paalam sa kanya, sanay naman ako ng ganon eh, hindi din naman sya nagtatanong kung saan ako pumupunta.

Di ko rin naman kailangan humingi ng pera sa kanya, kasi patuloy pa din ang pag papadala ni daddy ng pera samin, diretso yun sa bank account ko, yun nalang naman ang pakinabang nya sakin eh.

Agad akong nag doorbell padating ko sa tapat ng bahay nila grace, pinagbuksan naman ako ng kasambahay nila.

Nakita ko sa may sala ang Mama nya.

"Magandang tanghali po Tita." bati ko.

"Oh, Riuji, mukang napaaga ka ah. Upo ka muna at nagbibihis pa si Grace." mabait na sabi sakin ng mama ni Grace. Sanay na sila sakin, palagi naman talaga akong napunta dito eh.

"Oo nga po, excited lang po talaga ako." sabi ko, syempre hindi ko sasabihing napaaga ako ng punta dahil nag away kami ni Mommy.

"Eh saan ba ang date nyo ngayon?" nang aasar nanaman tong si tita.

"Tita talaga, mag gagala lang po kami. hehe" sagot ko. alam ko naman kasi na naaalala pa din nila nung mga bata pa kami ni Grace, proud na proud nya akong ipinakilala bilang boyfriend nya.

BEST FRIENDS FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon