CHAPTER 1. Best friend
<Grace's POV>
"Oh hello! Kamusta?" sabi ko agad pag kasagot ko sa tawag nya, as ussual madaling araw nanaman kaming magkausap. Hay! Nasa kabilang panig kasi sya ng daigdig eh.
"I'm fine. Ikaw Kamusta?" nakakatuwa na marunong pa rin syang mag tagalog kahit na ilang taon na din sya nakatira dun.
"Ok naman ako. Ano ng balita dun sa nililigawan mo?" hehehe. ayan! Ang mga topic namin palagi pag tumatawag sya. Yung mga girls na nagugustuhan nya.
"ayun! Break na kami. Hahaha!" I heard him laugh. Imba talaga tong taong toh. Parang nung isang araw lang sabi nya nililigawan nya, tas ngayon break na agad sila. Matindi!
"Adik ka talaga! Haha. Eh bat naman kayo nag break?"
"UHm. She tried to bed me." Seryoso nyang sabi.
"Huwaat?! Grabe naman yun! Eh, ok ka lang ba?" gulat na gulat talaga ako. Eh isipin mo, lalaki na pala ang ginaganun ngayon!
"Hahahaha!! HHAHAHA! Joke lang Bestfriend! Wahahaaha!! Ang dali mo talagang maniwala. Hahahaha!!!" errr. nantitrip lang pala.
"Hay naku, kala ko naman totoo na. Luko-luko ka talaga!" kainis lang nagpauto nanaman ako sa kanya.
"hahaha! di ka na nasanay sakin. Nga pala, namiss mo ba ako?"
"Halos araw-araw tayong magkausap, paano naman kita mamimiss?" hai naku. totoo naman, lagi nya talaga akong inaabala tuwing madaling araw.
"Talaga toh. HMP! Sige na nga matulog ka na." ngek tampo? Isip bata talaga.
"Good night na Bestfriend! Babye!"
"Bye." yun lang at ibinaba ko na yung phone.
Topakin talaga yung bestfriend kong yun.
*Flash back*
Nag alala ko pa nung una kaming mag kakilala. Grade 5 ako nun, tahimik lang akong nakaupo sa may likod ng classroom namin nung may marinig akong parang nagkakagulo.
"Amin nalang tong baon mo!" ang sabi nung unang boses.
"Wag please! Akin na yan." narinig kong sagot ng isa habang umiiyak.
Tsk! Ayaw ko talaga sa lahat ay yung mga bully, kaya naman agad akong lumapit sa mga nag kakagulo.
"Hoy! Tigilan nyo nga yan!" sigaw ko sa kanila. Napansin kong may tatlong estudyante ang nakatayo sa palagid ng isang batang lalaki na nakaupo sa simento. Nakatakip ang dalawa nitong kamay sa muka, habang patuloy ang pag iyak.
"Wag ka ngang makialam samin!" sagot naman sakin nung isa.
Aba! ang tapang nito ah. Sa inis ko ay nilapitan ko sila at pinababatukan isa-isa.
Wala naman silang magawa kasi di hamak naman na mas matangkad ako sa kanila. Mas matangkad talaga ako kesa sa karamihan ng mga classmates ko, hindi ko din alam kung bakit, di din naman kasi ako mahilig sa gatas eh.
Nilingon ko yung batang patuloy pa din sa pag singhot habang nakaupo. Nakakaawa syang tingnan.
"Halika, tayo ka na." sabi ko sabay abot ng kamay sa kanya.
"Salamat. Huhuhuhuhuhu!" nagulat ako nung bigla syang yumakap sakin habang patuloy sa pag iyak.
"Shush! Tahan na. Wala na naman sila eh." awang-awa talaga ako sa kanya habang umiiyak sya. Para syang anghel na hindi kayang ipagtanggol ang sarili.
Pakiramdam ko nun, gusto kong maging tagapagtanggol nya.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya, nung mapansin ko na mejo kumalma na sya.