Chapter 7

9 0 0
                                    

Chapter 7. Just got married

<Riuji's POV>

Foundation day ng school namin, ngayon namin naisipan ni Grace na gawin ang plano namin, bukod kasi sa walang klase ngayon ay alam pa namin na sa marriage booth pupwesto si Nina.

Mula nung ipinagkalat nya sa buong school na girlfriend ko sya ay hindi na ako nagkaron ng katahimikan, kahit saan ako mag punta nakasunod sya sakin, kulang na nga lang sumama sya sakin sa cr eh.

Hindi din sya naniwala kahit na sinabi ko pang mahal ko si Grace. Talagang ayaw nya akong lubayan.

Papunta na ako ngayon dun sa booth nila Grace, bitbit ko ang isang bouquet of roses, kasama talaga to sa mga plano namin, kailangan pagdating ko palang ay maging sweet na ko sa kanya, malapit lang din kasi ay booth nila grace sa Marriage booth nila Nina, kaya sigurado akong makikita nya ako pag ibinigay ko na tong bulaklak kay Bes.

Naglalakad na ako papalapit kay Grace ng mahagip ng mata ko si Nina na nakatingin sakin. Malaki ang ngiti nya, siguradong iniisip nya na para sa kanya tong mga bulaklak na dala ko. 

Dire-diretso lang ako sa paglalakad, nakita ko pa ang pagkagulat sa mata ni Nina nung lumagpas lang ako sa kanya.

Nagtinginan sakin ang lahat ng tao, lahat sila nagulat sa hindi ko pagpansin sa supposedly girlfriend ko. Nakasunod lang ang tingin nilang lahat sakin. Hanggang sa makarating ako sa booth nila Grace.

"Hi Beautiful." bati ko kay Grace. Yan na ang biglang lumabas sa bibig ko pagkalapit ko sa kanya, ang ganda nya kasi ngayon eh, bumagay sa kanya yung dress na suot nya.

Ngumiti lang sya sakin bilang sagot, napansin ko pa na mejo namula sya sa sinabi ko.

"This is for you." tapos ay iniabot ko yung hawak kong bulaklak. 

Narinig ko namang nag tilian yung mga taong nanunuod samin.

"T-Thanks." sabi nya pagkakuha ng bulaklak sakin.

"I'll see you later, bye." mamaya kami ulit magkikita para sa part 2 ng plano namin.

"kiss!" request ng mga tao sa palagid namin.

nakita kong natatawa lang si Grace at parang nahihiya habang nakayuko. Wow! Ang galing naman ni Bes umarteng kinikilig.

"Sige na, Bye." Sabi nya  din sa huli.

Pagtalikod ko, narinig ko pang nag reklamo yung mga tao.

"Dapat may kiss eh." sabi nung isa habang nakatingin sakin, sumang-ayon naman yung iba.

"Mamaya." sabi ko, sabay ngiti sa kanila. Naghiyawan naman sila sa tuwa. Hehe. Ang kulit.

<Grace's POV>

Grabe! Hanggang ngayon parang nahihirapan pa din akong huminga dahil sa nangyari kanina. Sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko, yung parang tumakbo ako ng malayo.

"Hi Beautiful!" 

Dug! Dug! Dug! Huwahh!!! Bakit ba ganito ang tibok ng puso ko pag naalala ko yung mga nangyari kanina?!

di ako makapag concentrate kahit anong gawin ko. Haist! Pinaupo nalang tuloy ako ng mga classmates ko, di daw kasi ako nakakatulong eh.

tamang tunganga tuloy ako. HMp!

"Miss, napag-utusan lang po." muntik na ako mapasigaw nung biglang may naglagay ng posas sakin.

"T-Teka! Para san to?!" tanong ko dun sa nag posas sakin na ngayon ay hinihila na ako.

"Sumama nalang po kayo." sagot sakin nung lalaki.

Maya-maya ay may mga tumulong na din sa kanya na humila sakin, dinala nila ako dun sa booth na katabi lang ng booth namin.

BEST FRIENDS FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon