Chapter 3. Playboy
<Grace's POV>
Waah! Sa wakas pasukan na! Woohooo!!! Ang saya naman! Tapos na din ang mga boring na araw ng bakasyon. Hmp. Buti pa sina Phineas and Ferb madaming ginagawa habang bakasyon. Samantalang ako, wala tamang tunganga lang. I didn't even have the chance to try to build a rocket or fight a mummy or climb up the Eiffel tower. Hahaha. Lakas nanaman ng trip ko. Adik lang.
Ayun, sa sobrang excited ko ang aga-aga ko tuloy nakarating sa school, haist. Nakalimutan ko, pag monday nga pala hindi pa agad nag papapasok gawa ng flag ceremony.
Asar! Tunganga pa din ako kahit nasa school na.
Wala akng nagawa kundi ang panuorin ang unti-unting pagdami ng mga estudyante sa may school ground namin. Wew! Kainis lang! Ang sakit na mga paa ko!
I was begining to get bored when,
"Huwaah!" bigla akong napasigaw.
Nagulat kasi ako nung biglang may tumusok sa tagiliran ko. Agad kong tiningnan kung sino ang gumawa nun.
"Bwiset ka talaga Riuji!!!" sigaw ko sa kanya.
Biglang nag tinginan sakin ang mga tao. Napahiya naman ako kaya napatakip ako bigla sa bibig ko. grabe! kakahiya pa.
"hehehe. Ang galing mo talaga gumawa ng eksena bestfriend. Hehehe." bulong nya sakin, sabay tawa ng mahina.
tiningnan ko lang sya ng masama, tapos ay pinag hahampas ko sya sa braso.
Waah! Kakainis talaga sya! Hmpft!!
Napatigil na lang ako nung mag simula na ang flag ceremony. Hindi na din naman ako kinukulit ni Riuji, mabuti naman. -_-'
Nung matapos ang flag ceremony ay nag lakad na kami papasok ng school.
"San ang klase mo?" tanong nya sakin.
"Uhmmm" sagot ko.
dug.dug.dug.
Huwaah! Di ako makapag focus! Umakbay kasi sya sakin eh.
"Huy! Grace! SAN ROOM MO?!" sigaw nya sakin.
Nagulat naman ako sa sigaw nya kaya nagising yung diwa ko.
"D-Dun ako sa IT Building. Bakit?" pinipilit kong itago yung pag kailang ko sa pag akbay nya sakin baka kasi alisin nya yung kamay nya eh.
"Hatid na kita."
"h-ha?" ano daw? Ihahatid nya ako?
dug! dug! dug!
Argh! ayan nanaman ang echusera kong puso. Ano ba talagang nangyayari sakin? Di kaya mamamatay na ko? Huwaah!!!
"Sabi ko ihahatid kita. Ano bang problema? Bakit parang wala ka sa sarili?"
"Ah, wala. Kinakabahan lang ako kasi diba, first day of school?" palusot ko.
"Eh? ok. Ako excited. Dami kasing chix sa paligid eh."
Ngek! manchichix lang pala toh dito eh. Hmpft!
Pagtingin ko sa kanya ay busy na syang sinusundan ng tingin yung kumpulan ng mga girls dun sa tapat ng isang room.
Nag kulbitan naman yung mga babae tapos ay tumingin samin, I mean sa kanya. Wow! Ang lalandi! At ito namang magaling na lalaki, aba! Nginitian pa yung mga babae. Asar lang!
"ehem!" pasimple kong papansin.
Like hello! Kasama nya kaya ako. Tapos nakakita lang ng magagandang chix nakalimutan na agad ako. Hmpft!
![](https://img.wattpad.com/cover/1995205-288-k934528.jpg)