Chapter 6. Partners in crime
<Grace's POV>
Wooh! Sa wakas natapos na din ang Mid term week. Pwede na ulit mag relax konti.
"Good Morning!" bati ko sa mga classmates ko pagpasok ko sa room namin. Ayos! Ang ganda ng mood ko ngayon. Malakas kasi ang pakiramdam ko na maganda din ang magiging results ng mga exams ko. Halos 1 week ko ngang hindi masyadong kinausap si Riuji para makapag concentrate ako eh.
"Uy! Grace, good morning! Tara dito ka." tawag sakin ni Leah.
Magkaharap na sila ni Jenny, kaya lumapit na ako sa kanila. Muka kasing may maganda silang pinag chichismisan eh.
"Oh, anong satin?" tanong ko agad sa kanila, syempre ayaw ko namang magpahuli sa mga chismis nila.
"Confirmed na." maikling sagot ni Jenny. Kakaiba talaga tong babaeng to. Parang puzzle sumagot, kulang-kulang.
"Ang alin?" pag tataka ko.
"Ano ka ba? Bestfriend mo hindi mo alam?" sabi yan ni Leah.
"Ang alin nga?" hay naku! Nakakainis na tong dalawang to ah. Masyadong pabitin.
"Si Riuji may girlfriend na!" sabay pa nilang sabi sakin.
-_- .so? Big deal ba yun?
"Alam ko." sabi ko dun sa dalawa.
Muka namang nagulat sila sa sinabi ko. eh ano bang nakakagulat sa pag kakaron ng gf ni Riuji? Palagi namang may gf yun eh. Paiba-iba nga lang.
"Huh?! Alam mo? Paano mo nalaman?" tanong Jenny.
"Eh bestfriend ko yun eh, paanong hindi ko malalaman?"
"Ibig mong sabihin, sinabi sayo ni riuji na gf nya sa Nina?" si leah yan.
"Nina? Sinong Nina?" eh wala namang ipinapakilala sakin si Riuji na Nina eh, kung iisipin ko nga wala naman talaga syang ipinapakilala na kahit sinong gf sakin. Basta sinasabi nya lang na may gf sya.
"Akala ko ba alam mo? Yun yung girl na ipinakilala satin ni Riuji nung first day of school." pag papaliwanag ni Leah sakin, si jenny naman tumatango lang.
"Ah, sya ba yun? Ewan ko, di naman pinapakilala sakin ni Bes eh." hmm. Girlfriend nya pala yung lintang yun.
"Well, ngayon alam mo na." sabi ni Jenny.
Pagkatapos nun ay nanahimik na kami, pumasok na kasi yung prof namin eh.
Kakaiba naman. Ngayon ko palang narinig na talagang nagkagirlfriend si Riuji. Palagi ko lang naririnig na sya ang nag sasabi, pero hindi ko naman sineseryoso kasi hindi ko naman alam kung sinong mga babae ang tunutukoy nya, ito ang unang beses na nagka idea ako kung anong klaseng babae ba yung pwede maging girlfriend nya.
Nung matapos ang klase namin ay nag lakad na kami palabas nila Jenny, naramdaman ko na nag vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko agad kung sino ang natawag.
"Oh?" hehe. Kala nyo mag hehello ako noh? Ganyan talaga ako bumati lalo na pag si Riuji yung natawag.
"Bes, magkita tayo, kailangan ko ang tulong mo." sabi nya na parang mejo nag papanic.
Nag alala naman ako. "Sige, dito ako sa may eatery."
"Papunta na ko jan." then he hung up.
Ano nanaman kayang problema ang napasok ng tong yun?
<Riuji's POV>
Nag mamadali na akong nag drive papunta eatery para puntahan si Grace.
Grabe talaga tong araw na to. Pag pasok ko sa room kanina ay pinagtinginan ako ng mga classmates ko, akala ko kung bakit, yun pala nandun si Nina sa may upuan ko at hinihintay ako.