Chapter 10

7 0 0
                                    

Chapter 10. How to heal a broken heart

<Riuji's POV>

Si Grace, hindi ko na sya nakita ulit mula nung gabing yun. Basta ko nalang sya iniwan, siguradong nasaktan sya.

Pero, nalito na talaga ako nun. Ano ba ang tama kong gawin?

"I love you Bes." yan ang sabi nya sakin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Madalas ko yang naririnig sa mga nagiging girlfriend ko, pero parang ngayon lang ako naapektuhan sa tatlong salitang iyon.

Dapat bang sinagot ko sya ng "I love you too" sa halip na "I'm sorry"?

Iba sya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko.

Sya lang ang nag iisang babaeng ayaw kong masaktan, pero sa tingin ko sa mga sandaling ito sya ang pinaka sinaktan ko.

Sa tuwing kasama ko sya masaya ako, sa kanya ko lang nararamdaman yun. Pero sapat na ba yun para sabihin kong mahal ko din sya?

Teka, mahal ko nga ba sya?

The answer automatically came to me.

YES, I love her.

How much?

I don't know. 

But I care for her, and I don't want to hurt her.

Pero alam ko din na mula pa nung bata ako sya na ang palagi kong tinitingnan, nung mga panahong naniniwala pa ako na kaya kong mag mahal, sya ang ginagawa kong basehan ng tipo ng babaeng magugustuhan ko.

Siguro isa na din sya sa mga dahilan kung bakit ayaw kong pumasok sa seryosong relasyon at kung bakit pang short time lang ang mga nagiging girlfriend ko, siguro kasi, a part of me is trying to reserve my self for her.

Ano pa bang iniisip ko?

Of course I love her, I love her more than my self.

I'm just scared to tell her, because as far as I can remember, lahat ng babaeng nag mahal sakin ay nasaktan lang din.

"Anak, may problema ba?" narinig kong tawag sakin ni Mommy.

"W-wala naman po mommy." napansin siguro nya na kanina pa ako tulala dito sa sala kaya nag alala na sya.

"Ganon ba? Sige. Kung gusto mo ng kausap, nandito lang ako." nakita ko syang tumalikod sakin.

"Mommy, ang hirap mag mahal noh?" I told her.

Nakita kong huminto sya sa pag lalakad, saka sya muling humarap sakin. This time I can see her concerned expression.

"Mahirap talaga anak, pero masaya." sagot nya sakin, umupo sya sa tabi ko.

Si mommy, palagi ko syang nakikitang malungkot, pero sa buong buhay ko, parang ngayon ko lang sya tinanong.

"Mommy, kamusta ka?" This is the first time I asked her how she is. 

"Masaya ako anak, dahil mag kasama tayo." she answered.

"Me too. Mom. Nalilito po ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko." pag tatapat ko sa kanya. Sa mga sandaling ito kailangan ko talaga ng taong mapag sasabihan ng problema.

"Tell me, ano bang nangyari?" ngayon ko nararamdaman kung gaano ko kailangan si Mommy.

"Si Grace po, I love her."

"Really? That's good! Oh, anong problema?"

"Mommy, baka masaktan lang kami pareho." I answered.

"Anak, alam kong natrauma ka dahil sa pinagdaanan natin sa daddy mo, pero hindi naman dahil nasaktan ako nung mag mahal ako, ay masasaktan ka din pag nagmahal ka." she explained.

"Pero, diba po kapag nag mahal ka, sigurado ka ding masasaktan?"

"That is true. Kasi hindi naman talaga maiiwasan na dadaaan kayo sa mga trials. Pero nasa inyo na kung paano nyo yun haharapin."

Tama si Mommy, hindi pwedeng palagi na lang akong iwas ng iwas sa love, I should take my chances.

"Thanks mom. And I'm sorry for not being a good son." niyakap ko si Mommy, niyakap nya din ako.

"No Riuji, you're the best son any mother could ever have, ikaw nga ang nag alaga sakin sa halip na ako ang mag alaga sayo. Palaging ako ang inaalala mo, sa tuwing kailangan ko ng tulong nanjan ka. Natutuwa ako ngayon dahil sa unang pag kakataon ay ikaw naman ang nangailangan sa akin." she said while hugging me.

"I love you mom."

"I love you too anak."

<Grace's POV>

Ilang araw na din akong nag kukulong sa kwarto, pero hanggang ngayon hindi pa din ako maka-move on. Naiinis na din naman akong humingi ng payo sa mga kaibigan ko eh paano ba naman palagi nilang sinasabi na "Grace, move on." para namang ganung kadali yun, diba?

hmp! Aba! Kung kaya ko lang na move on sa loob ng isang gabi edi sana ginawa ko na. Bat ko naman pahihirapan ang sarili ko ng ganito kung pwede namang hindi, ano ako masokista? Ayos ah!

HAy naku! Tumataas lang ang high blood ko pag nag iisip ako!

Mabuti pa siguro si bestfriend GOOGLE nalang ang kausapin ko, baka sakaling may maitulong sya sakin.

Nag bukas ako ng net saka ko sinearch ang "How to Heal a Broken Heart."

Marami namang lumabas na mga sagot, meron pa ngang lumabas tungkol sa open heart procedure eh, wew! Wala naman akong balak mag paopera!

Nakuha ang attention ko ng isa sa mga forum na nandun.

"How to heal a broken Heart." wow, sakto sa hinahanap ko.

Nakita kong may mga sumagot sa forum kaya naisipan kong basahin, wala namang mawawala.

eby: simple, stay busy and be beautiful.

sabi nung naunang post. Stay busy? Pero ano naman kayang pagkakaabalahan ko? Halos lahat naman kasi ng mga hobbies ko, hobbies din ni Riuji eh, lalo ko lang syang maalala. Saka, Heller! Matagal na  akong maganda, eh parang hindi naman nakakatulong sa pag move on ko yun!

eds: simple, stalk him everyday.

Baliw naman tong isang toh! Paano naman ako makakamove-on kung palagi ko syang susundan? Eh kung makipag date sya tas makita ko, edi lalo akong nasaktan!

jah: throw away everything that reminds you of him.. move on.

Throw away?! Teka! Ibig sabihin pati si angel itatapon ko?! ehem! Si angel po yung ibinigay sakin na giant stuff toy ni Riuji nung last birthday ko. Kung kayo bibigyan nun, makakaya nyo bang itapon diba hindi?!

eby: make his name a bad word.

Errr. di ko gets to, sorry. Ang labo! So kunyari pag binanggit ko yung pangalan nya parang nag mura na din ako? Ganun ba yun? Ibig sabihin pag tinawag ko sya sa pangalan nya, I'm already cursing him. Is that right? 

"Riuji ka!" walang sense eh! pag sinabi ko yan sa kanya baka ang isagot nya lang, "ako nga." azar!

eds: make him realize that he lost a very special person.

   : KILL HIM!

   : SALVAGE!

Huwahhh! Grabe naman tong eds na toh! Parang ang tindi ng pinagdadaanan. Hindi ko naman kayang patayin si Riuji! Mahal ko nga eh!

eby: make him suffer a painful death.

Eto pa isa! Anu ba? So kailangan itorture ko sya para maka move on ako?! Hay naku! Malakas ang pakiramdam ko na wala akong makukuhang maganda sa forum na to!

eds: Find a new one, duh! He's not the only guy in the world.

Ayan! Meron din naman palang may sense eh! Palagay ko nga ito ang pinaka magandang gawin, ang mag hanap ng iba, kesa naman palagi lang akong nag mumukmok dito.

>>>>>>>>>a/n<<<<<hehehe, pasensya na po sa mga walang sense na advice, sinisisi ko po ang mga classmates ko, sila po ang mga nag isip nyan. hahaha! Pis tayo jah at eds!"<<<<<<<<<<

BEST FRIENDS FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon