Chapter 11. I don't want to be your friend
<Grace's POV>
Mahigit dalawang linggo na din ang nakalipas mula nung gabing nag tapat ako kay Riuji.
Pero pakiramdam ko parang kahapon lang yun nangyari.
But, I'm trying to move on, di katulad nung mga nakaraang araw na palagi akong nakakulong sa kwarto, ngayon naman lumalabas-labas na ako.
Hindi pa din nakikipag comunicate sakin si Riuji, kahit isang text wala, pero hindi ko din naman sya sinusubukang kausapin.
Siguro nga ayaw nya na talaga sakin, kailangan ko ng tanggapin na wala na akong bestfriend. Masakit, pero wala na akong magagawa.
Ipinangako ko sa sarili ko na sa susunod na magkita kami ni Riuji ay ipakikita ko sa kanya na hindi na ako apektado, at parang hindi yun nangyari kahit na ang totoo ay halos hindi ako makakain sa sobrang sakit ng pinag dadaanan ko.
"Grace anak, may bisita ka." narinig kong tawag sakin ni mama mula dun sa sala.
"Ok po mama, mag bibihis lang po ako." siguro sila jenny ulit yun, palagi nila ako pinupuntahan dito mula nung kinuwento ko sa kanila yung nangyari.
Pababa na ako sa hagdan, ineexpect ko na makikita sina Leah, pero nagulat ako nung makita ko kung sino ang nag aantay sakin sa kabilang dulo ng hagdan.
<Riuji's POV>
Pagkalipas ng ilang araw ng pag iisip, nag karon na din ako ng lakas ng loob na muling harapin si Grace. Pasenya na! Mahina talaga ang loob ko eh! Pogi lang ako, pero duwag ako lalo na pag dating kay Grace.
Ilang minuto pagkatapos syang tawagin ng mama nya ay nakita kong pababa na sya ng hagdan.
Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko nung mag salubong yung tingin namin.
Napansin ko pa na nagulat sya pag kakita nya sakin, hindi nya siguro inaasahan na pupuntahan ko sya ngayon.
Diretso lang sya sa pag baba hanggang sa mag kaharap na kami, wala na ang pagkagulat sa muka nya, masaya na sya ngayong nakangiti sakin.
"UY, bes! Napadalaw ka?" bungad nya, bahagya nya pa akong tinapik sa braso.
"Ahh. Gusto lang kitang makausap." Ano kayang problema nito? Bakit kung umasta sya ay parang walang nangyari?
"Ganon ba? Oh sige upo tayo." nauna na syang umupo dun sa sofa, tumabi naman ako sa kanya.
"Kasi ano, may gusto sana akong sabihin sayo."
"Ano yun Bes? Sige, sabihin mo na, makikinig ako, mag kaibigan tayo eh." yan ang sabi nya, alam ko na ngayon, nag papanggap lang sya na ok sya, siguro kasi umaasa sya na maibabalik pa namin yung dati.
"I'm officially ending our friendship." diretso kong sabi sa kanya.
Nagulat sya sa sinabi ko kaya mejo natagalan bago sya nakasagot.
"P-Pero, bakit?" nakita kong nangingilid ang luha nya.
"I don't want to be your friend anymore." dugtong ko.
"Di kita maintindihan Bes, bat mo to ginagawa?"
"Gusto kong mag simula tayo ulit Grace, gusto kong manligaw sayo." hinawakan ko yung kamay ko, saka ko inilagay ito sa tapat ng puso ko.
"Pangako, aalagaan kita. Hindi kita sasaktan at paiiyakin. Hindi na din ako mambababae, dahil ikaw lang ay sapat na sakin." tulala lang sya sakin, hindi din sya nag sasalita kaya nag patuloy lang ako.
"Ikaw lang ang nag iisang babaeng pinahalagahan ko ng ganito, palagi kitang gustong protektahan. Matagal na kitang gusto, hindi ko lang maamin sa sarili ko, dahil duwag ako." iniangat ko ang muka nya para tumingin sya sakin.
"Pero hindi na ngayon. Kung dati takot akong mag mahal at masaktan, ngayon ay handa na akong harapin ito dahil alam kong ikaw ang makakasama ko." nakita kong tumulo ang luha nya.
"Grace, mahal kita."
"Pero, diba sabi mo ayaw mo ng committment?" tanong nya sakin, mukang isa din yun sa mga bumabagabag sa kanya, oo nga pala sinabi ko yun dati.
"Dati yun nung hindi ko pa naamin sa sarili ko na mahal kita, pero ngayon handa na ako mag commit, basta para sayo."
"Mahal din kita Riuji, matagal na." tapos ay niyakap nya ako. Ramdam ko na umiiyak sya.
"Ibig sabihin tayo na?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa! Diba sabi mo manliligaw ka?"
"Pero, dun na din naman pupunta yun ah?" hehe. Sorry excited lang.
"Manligaw ka muna!"
Hay naku! Si Grace talaga! >_<
"Oo na po! Manliligaw na!"
End.
