Chapter 5. Golden rule
<Riuji's POV>
Asar! Nakakabored!! -________________-
Nasa library ako ngayon, naisipan kong mag review muna Mid-term week na kasi. Ang bilis ng oras, nagulat nalang ako mahigit 3 months na din pala ako dito sa Pilipinas.
Mahigit 3 months ko na palang pinagtititiisan ang kamiserablehan ng buhay namin ni mommy.
*yawn!* Grabe! Kakaantok na talaga! Di ko naman alam kung nasan si Bes ngayon, sigurado busy din yun sa pag rereview. Paborito ko pa naman yung asarin. Haist! Wala tuloy akong mapagka-abalahan ngayon.
Matagal pa naman ang next exam ko kaya naisipan ko na munang matulog. Hehe. Yan naman talaga ang gawain ko pag nandito ako sa library eh, kala nyo review talaga? Asa! ^_^V
Tahimik na sana akong makakatulog, kaso may naramdaman kong may tumabi sakin. Syempre naging alerto ako. Baka chix eh. ^___^
"Nina, lipat tayo. Tulog si kuya oh." narinig kong sabi ng isang babae.
Di ako nag papahalatang gising.
"Eh, dito na tayo. Sige na. Wala na din namang ibang bakanteng mesa." sagot naman nung babaeng dun sa tabi ko naupo.
"TSk! Sige na nga." tapos nun ay nanahimik na sila.
Nag antay lang ako ng ilang sandali bago ko iniangat ang ulo ko. Saka ko tiningnan yung mga nakishare ng table sakin.
Una kong nakita yung girl sa tapat ko, di naman sya kagandahan pero pwede na din. Nginitian ko sya, ngumiti din naman sya sakin, napansin ko pa na parang mejo natulala sya. Syempre! Ang pogi ko kaya! haha!
Tapos ay tiningnan ko yung girl na katabi ko. Hmm. She looks familiar. Kaso lahat naman kasi ng magaganda dito sa school familiar sakin eh.
"Oh, hi Riuji! Ikaw pala yan." hala! kilala nya ako.
"Hello." bati ko din sa kanya sabay ngiti. Hmmm. Di ko talaga sya maalala.
"Di mo na ko kilala noh?" tanong sakin nung girl.
"Err. Sorry." yan nalang ang naisagot ko. Mas lalo naman kasi akong mapapahiya kung manghuhula ako ng pangalan, tapos mali naman pala. Ang nakakatakot pa dun, baka ex ko pala sya tapos hindi ko na sya maalala!
"It's me Nina. Yung nameet mo dun sa IT building." pag papakilala nya, sabay flip pa ng hair.
I just stared at her. Eh hindi ko talaga maalala. May nameet ba talaga ako dun?
"Pinakilala mo pa nga ako dun sa Bes mo." patuloy pa nya.
"Ahh. Nina. Right. Naalala ko na. Kamusta?"
Sya pala yung naipakilala ko kay Grace nun.
"Ayos naman ako. Ikaw ba? How's your girlfriend?" she asked.
"Girlfriend? I'm afraid I don't have any. Pero ayos naman ako." muka namang napangiti sya sa sinabi ko. Sabi na nga ba style nya lang yun para pasimpleng malaman kung may girlfriend ako eh.
"Ahh. Ganon ba? Akala ko girlfriend mo kasi yung tinatawag mong Bes eh." sabi nya habang nag papacute. -___-
"No, Grace is my bestfriend." I told her shortly. Sawa na din kasi akong mag paliwanag, kapag napagkakamalang gf ko si Grace eh.
"Oh, I'm glad to hear that." napa-palakpak pa sya pagkasabi nyan, halata talagang masaya sya.
"And why is that?"
"Secret! hahaha." lakas din pala ng topak ng babaeng to eh. Basta na natawa. Hmm. Pero mukang ok naman sya.
"Haha. Secret pa. OK lang pwede mo namang sabihin sakin yan mamayang gabi." sabay ngiti ko ng pilyo.
"M-Mamayang gabi? B-Bakit?" mejo nanlaki yung mata nya sa sinabi ko. Cute. Para syang si Grace.
"Well, I was just wondering if you would go out on a date with me." sabi ko sa kanya.
"S-sure." she stammered. Siguradong kilig na kilig sya.
"Great!"
Tapos nun ay hiningi ko ang number nya, kailangan yung syemre, paano kami mag kikita kung walang communication diba?
Napausapan naming mag kita ng mga bandang 7pm, dun ko na sya sinundo sa may tapat ng boarding house nila. Ayos! Mukang makakascore nanaman ako!
"Riuji, san tayo pupunta?" she asked excitedly.
"hmm. Lets see, I was thinking maybe, we could first have our dinner." sagot habang hindi inaalis ang atensyon ko sa manibela.
"Mukang maganda nga yan. Alam mo ba Riuji, crush na talaga kita sa unang pagkikita pa lang natin." sabay patong nya ng kamay nya sa kamay kong nasa shifter ng sasakyan.
"Ah talaga?" yan lang ang sinagot ko sa kanya. Ayoko kasi sa babae yung nag coconfess ng feelings.
Sandali syang nanahimik, siguro kasi inaantay nya kung may sasabihin pa ako.
"Feeling ko nga na love at first sight ako nun eh." dugtong nya nung nasiguro nyang hindi na ako mag sasalita.
Argh! Love agad?!
"Really? That's-uhm- That's good." tapos ay nginitian ko sya saglit.
"Eh ikaw, gusto mo ba ako?" @_@! grabe, nakakagulat naman mag tanong tong babaeng to.
"o-ofcourse Nina! Kaya nga kita inayang makipag date eh." kaso ang problema lahat ng babae gusto ko eh.
"Talaga? wow! masaya talaga ako Riuji!" halata nga sa kanya na masaya sya.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nakarating na kami dun sa retaurant. Ipinag bukas ko sya ng pinto pag pasok namin. Halata namang kinilig sya, para namang kahit anong gawin ko kinikilig sya eh.
Nag kukwentuhan lang kami habang kumakain, ok naman syang kasama, hindi ako mabobored, ang dami nya kasing kwento eh.
Naubos na namin yung pagkain namin ay hindi pa din nauubos ang mga kwento nya.
"Alam mo siguradong matutuwa sina mama kapag ipinakilala kita sa kanila." sabi nya sakin.
"ha? Bakit mo naman ako ipapakilala?" kahit kelan di ko pa naranasan na maipakilala sa magulang ng kahit na sinong babae, bukod siguro kay Grace.
"Ano ka ba? Syempre kailangan yun! Boyfriend kita eh!" sagot nya sakin ng mejo pasigaw.
O_O. Nasamid ako pagkarinig ko ng sinabi nya. Boy friend agad? Teka! Nag date palang kami ah!
"B-boyfriend? Pero di pa naman ako nanliligaw diba?" sabi ko nung mejo nakakarecover na ako sa pag kakasamid.
"Ano ka ba? Dun na din naman papunta yun eh. Saka mahal kita Riuji." sinabi nya yung mga huling salita ng malakas kaya napatingin samin yung ibang mga costumer.
"Ahh. Haha. Ganun ba yun? Nina, tara gabi na. Hatid na kita." balak ko pa sanang dalhin sya sa ibang lugar pero baglang nagbago ang isip ko. This girl spells commitment in every word she says. Masyado syang madaling naattach sakin, siguradong mahihirapan akong makipaghiwalay sa kanya pag naging kami.
Mabuti pang mag hanap nalang ako ng ibang, marami pa namang ibang babae jan eh, yung kayang mag comply sa mga golden rule ko, NO STRINGS ATTACHED.
