CHAPTER 2

629 12 0
                                        

Chantel Academy

Makalipas ang ilang oras, tuluyan na silang nakarating sa Chantel Academy.

At sa unang tingin pa lamang, masasabi nang ibang level ang paaralan.

Napakalaki ng campus, napapalibutan ng matataas na gate at eleganteng mga gusali na parang hindi isang ordinaryong school kundi isang exclusive institution para sa mga taong sanay sa luxury.

Pati ang entrance pa lang ay sapat nang iparamdam sa kanila na hindi basta-basta ang mga estudyanteng nag-aaral dito.

“Wow…”

Napatingin si Michelle sa paligid.

“Gate pa lang, sosyal na. Paano pa kaya sa loob?”

Halatang excited siya.

“So, andito na tayo,” sambit ni Alex habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng isa-isang pumapasok sa campus. “Ano dapat nating gawin agad?”

“Syempre, magpapa-enroll tayo. Duh.”

Mairap na sagot ni Michelle na para bang iyon ang pinakalinaw na bagay sa mundo.

“Arte-arte mo, Mich,” komento ni Kim.

Inirapan lamang siya ni Michelle.

“Stop it.”

Cold na sambit ni Ghail bago bumaba ng sasakyan.

“Pumasok na tayo.”

Nauna na itong maglakad.

Wala na silang nagawa kundi sumunod.

Pagkapasok nila sa campus, agad nilang napansin ang mga matang nakasunod sa kanila.

May mga estudyanteng palihim na nagbubulungan.

May ilan namang diretsahang nakatingin.

Napatingin si Michelle sa kaniyang mga kasama.

“Ngayon lang ba sila nakakita ng mga diyosa?”

Napailing si Kim.

“Ang hangin mo.”

“Pero totoo naman.”

“Whatever.”

Samantala, poker face lamang si Yannie habang naglalakad.

“Ang weird naman ng mga tao rito. Makatingin kala mo mga artista tayo.”

“Kailan ba sila titigil sa pagtitig sa atin?” reklamo ni Alex. “They are so obvious.”

“I feel you, Alex,” sagot ni Michelle. “Don't mind them na lang. Ayokong masira ang araw ko dahil sa kanila.”

“Yeah.”

Patuloy lamang silang naglakad.

Hanggang sa—

“Well, well, well…”

May boses na biglang nanggaling mula sa gilid.

Hindi nila ito pinansin.

Pero ilang hakbang pa lamang ang kanilang nagagawa nang may ilang estudyanteng humarang sa kanilang daanan.

Napahinto silang lahat.

Nanguna sa grupo ang isang babaeng halatang sanay makuha ang gusto niya. Kapansin-pansin ang makapal nitong makeup, pati na ang paraan ng pagtayo nito na para bang pagmamay-ari nito ang buong campus.

“Outsiders kayo rito, right?”

Tiningnan niya sila mula ulo hanggang paa.

Napataas ang kilay ni Kim.

The Queen Gangster (Edited)Stories to obsess over. Discover now