CHAPTER 11

344 9 0
                                        

CHAPTER ELEVEN:

“Guys, mag-shopping naman tayo,” sambit ni Kimberly.

Linggo naman at walang pasok. Kaysa manatili lang sila sa bahay at walang gawin, mas mabuti pang lumabas sila. Nakakainip din kapag buong araw lang silang nakatambay.

“Oo nga. Gusto kong magpa-spa. Nakaka-stress eh,” saad ni Michelle habang kunwaring hinihilot ang ulo niya.

“Gastos lang ’yan,” komento ni Yannie.

Napalingon agad si Kimberly sa kanya.

“Hoy! Ang yaman mo para sabihin na gastos lang ’yan,” singhal niya.

Panira talaga.

“Gastos nga lang ’yan. Kaya arat!” natatawang dagdag ni Yannie.

“You’re crazy, Yannie.”

Napailing si Kimberly bago bumaling kay Alex, na abala sa pagbabasa.

“Anyway, Alex, gusto mo?”

“Ayoko. Tinatamad akong maglibot,” matabang sagot ni Alex.

Kelán ka ba sinipag? naisip ni Kimberly.

“Lagi ka na lang tinatamad, Alex. Minsan na nga lang tayo maglibot eh. Ang KJ niyo pa,” pagmamaktol ni Michelle.

Napabuntong-hininga siya bago muling nagsalita.

“Eh si Ghail ba? Siya kaya ayain niyo.”

Napaisip si Kimberly.

Oo nga.

Nasaan kaya si Ghail?

“Wag na tayong umasa doon,” sagot ni Michelle. “Hindi hobby nun ang maglagalag. Besides, tulog pa siya.”

“Hays.”

“Tayo na lang, Mich. Tutal ayaw nila.”

“Tama! Tayo na lang maglibot sa mall. Magbihis na tayo.”

Hinila na ni Michelle si Kimberly bago pa ito makasagot.

“Sama ako!” habol ni Yannie.

---

MALL

Ilang oras na ring paikot-ikot ang tatlo sa mall. Kung saan-saan na sila nakapunta at kung anu-ano na rin ang nabili.

Ngayon, nasa isang ice cream shop sila para magpahinga.

“Kamusta kaya ’yung dalawang ’yon?” tanong ni Kimberly habang iniisip sina Ghail at Alex.

“Paniguradong nasa hideout,” sagot ni Yannie. “Alam mo naman ang dalawang ’yon.”

“Panigurado nga.”

Wala nang nagsalita pagkatapos noon.

Busy silang tatlo sa pagkain.

Food is life, ika nga.

“Hi, girls.”

Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita.

Muntikan pang malaglag ang hawak na ice cream ni Kimberly nang makita kung sino ang mga bagong dating.

Ano namang ginagawa ng mga siraulong ’to rito?

“Anong ginagawa niyo rito, ha?” singhal ni Michelle.

Imbes na sumagot, umupo pa ang apat sa tabi nila.

Napakunot ang noo ni Kimberly.

Ang kakapal din pala ng mukha ng mga ito.

The Queen Gangster (Edited)Stories to obsess over. Discover now