CHAPTER 4

467 14 0
                                        

CHAPTER FOUR: MEET THE FIVE BOYS

“Tol, daming chix oh.”

Pilyong sambit ni Martin habang nakasandal sa upuan.

“Manahimik ka nga, Sy. Tignan mong may ginagawa ako!”

Inis na sagot ni Joseph habang abala sa ginagawa niya.

Napailing si Lance.

*Mag-away lang kayo diyan.*

Isang babaero at isang womanizer.

Nice.

Samantala, abala ang dalawa sa kani-kanilang ginagawa habang si Lance at ang iba pa ay nakatingin lamang sa labas ng classroom.

May kakaibang ingay sa hallway.

Hindi iyon ang usual na ingay ng mga estudyanteng nagmamadaling pumunta sa kanilang mga klase.

May kumpulan sa ibaba.

“Ano meron doon?” tanong ni Jv.

Itinuro niya ang labas.

Agad na sumilip si Lance.

May ilang estudyanteng nagkukumpulan sa hallway.

“May away ata,” ani Martin na sumilip na rin.

“Let’s go.”

Biglang aya ni Ethan.

“Chismoso, pre?”

Binigyan lamang siya ni Ethan ng malamig na tingin bago naunang umalis.

*Kita mo ’yon? Nang-iiwan.*

“Tara na nga,” sabi ni Lance bago rin tumayo.

Lumabas silang lahat.

Pero bago sila tuluyang makalayo, nagsalita pa si Martin.

“Bago tayo pumunta sa room, alamin muna natin kung ano meron doon kanina.”

“Interesado ka, Mr. Sy, huh?” tukso ni Joseph.

“Bakit ba? Curious lang ako!”

“Bahala ka.”

Napailing si Lance.

Chismoso talaga ang mokong.

---

Nasa hallway na sila nang biglang may sumigaw.

“BABE!”

Napalingon silang lahat.

Isang babae ang tumatakbo papunta sa kanila habang hawak na hawak ang kanang pisngi niya.

Agad itong lumapit kay Martin.

Si Hana.

Ang isa sa mga babaeng madalas kasama ni Martin.

“What happened to you?” tanong ni Martin habang hinahawakan ang pisngi nito.

“Edi ’yung babaeng transferee!” sumbong ni Hana.

May kasama pang paiyak na boses.

“Sinampal niya ako, babe. Napahiya ako sa mga estudyanteng nakakita sa amin kanina.”

Napakunot ang noo ni Lance.

“Transferee?”

“Sino sila?” tanong niya.

“Lima sila. Hindi ko nga alam kung saan galing.”

“Lima?”

Tumango si Hana.

The Queen Gangster (Edited)Stories to obsess over. Discover now