CHAPTER TEN: THE GIRL WHO SAVED HIM
“Pare, under ka naman ata, ha.”
Napalingon si Ethan kay Martin.
Kanina pa ito nakangisi habang pinapanood siyang maglinis. Mukhang tuwang-tuwa pa sa sitwasyon nila.
Wala sa mood si Ethan.
Hinagis niya rito ang hawak niyang walis.
Mabilis naman iyong sinalo ni Martin.
“Oy! Relax, Ethan.”
“Buti ako behave lang.” Masayang singit ni Jayvee habang patuloy sa paglilinis.
Napatingin si Martin sa kanya.
“Halata, pre. Ano bang nangyari sa inyo ni Alyannie?”
“Wala naman.”
Bahagyang ngumisi si Jayvee.
“Eh kayo ba?”
Napabuntong-hininga si Lance.
“Nightmare. Ang sadista ni Alex.”
“Ang tatapang nila. Walang halong biro. Lumalaban talaga.” Sang-ayon ni Joseph.
Napatingin si Ethan sa direksiyon ng mga transferee.
Palaban.
Iyon ang unang salitang pumasok sa isip niya tungkol sa kanila.
Hindi sila katulad ng ibang estudyanteng sanay na lang sumunod kapag hinarap ng mga sikat na estudyante sa campus.
Hindi sila natatakot.
Hindi rin sila basta umaatras.
At higit sa lahat...
Hindi nila sila tinatrato na parang espesyal.
“Tara na lang.” Aya ni Ethan.
Ayaw na niyang pag-usapan pa ang mga babae.
Lalo lamang siyang naiirita kapag naaalala niya ang mga nangyari.
Hindi ba nila alam kung sino ang kinakalaban nila?
Anak siya ng may-ari ng campus.
Kung gugustuhin niya, kaya niyang gamitin ang impluwensiya ng pamilya niya para mapaalis ang mga ito sa school.
Pero hindi niya gagawin iyon.
Hindi ganoon si Ethan.
Hindi niya ginagamit ang pangalan ng pamilya niya para lamang makuha ang gusto niya.
Pero hindi rin ibig sabihin na palalagpasin na lang niya ang ginawa ng mga transferee sa kanila.
Sa unang pagkakataon, may mga taong walang pakialam sa kung sino sila.
At nakakainis iyon.
“Btw, guys... umamin si President sa kanila.”
Biglang napahinto si Ethan.
“What?”
“Umamin siya.”
“So nalaman na nila?”
Tumango si Lance.
“Oo.”
“Damn. Bakit siya umamin?”
“Natakot daw siya kay Ghail. Sobrang nakakakilabot daw 'yung presensya niya kaya napaamin siya.”
Napailing si Jayvee.
“Ayan ang sinasabi ko sa inyo. Sinabi ko nang huwag niyo nang ituloy 'yung plano.”
“Malay ba namin na aamin siya.” depensa ni Martin.
