CHAPTER NINE:
FRIENDS?
“Damn.”
Napapikit si Michelle habang nakatingin sa tambak na mga papel na nasa harapan niya.
Bakit siya pa talaga ang kasama ko?
Sa lahat ng tao sa Horton Academy, bakit kailangan si Joseph Jung pa?
Simula pa lamang kanina, iritado na siya sa lalaking nasa kabilang mesa. At ngayong punishment time, mukhang kailangan pa niyang tiisin ang presensya nito nang ilang oras.
“Huwag ka nang maasar diyan. Kasalanan niyo rin naman 'to.” Bahagyang natatawang sambit ni Joseph habang nakasandal sa upuan.
Mabilis siyang napalingon dito.
“Excuse me, Mr. Jung? Sino ba ang nauna, ha? Hindi ba kaibigan niyo? So hindi kami ang nauna. Kayo ang nagsimula!”
Tumaas ang kilay ni Joseph.
“Technically, lahat tayo naparusahan.”
“Exactly. Kaya tumulong ka.”
Hindi na siya sinagot nito.
Sa halip, kinuha ni Joseph ang cellphone nito at nagsimulang mag-scroll.
Napahawak si Michelle sa noo.
Seriously?
Buong buhay niya, hindi pa yata siya nakapag-ayos ng ganito karaming papel.
Hindi nga niya kayang ayusin nang maayos ang mga dokumentong nasa opisina ng mommy niya. Ito pa kaya?
Tumingin siya sa paligid.
Ang lumang storage room na pinaglinisan sa kanila ay puno ng mga kahon, lumang files, folders, at kung anu-anong school documents.
“Hoy!”
Walang sagot.
“Tulungan mo naman ako! Ang kapal ng apog mo at nagce-cellphone ka lang diyan!”
Bahagyang itinaas ni Joseph ang tingin.
“Bakit naman ako tutulong? Kaibigan ako ng anak ng may-ari ng school na 'to.”
Pinagyayabang pa talaga.
Hindi na nakapagpigil si Michelle.
Kumuha siya ng isang papel, mabilis na tinupi iyon, at walang pag-aalinlangan na ibinalibag sa direksiyon ni Joseph.
PLOP!
Eksaktong tumama iyon sa ulo nito.
“Aray!”
Napahawak si Joseph sa ulo at masamang tumingin sa kanya.
“Bakit mo ako ibinalibag?!”
Umiling si Michelle.
“FYI lang, Mr. Jung, gawain natin 'to. At kung hindi mo pa ako tutulungan dito, hindi lang papel ang ibabato ko sa'yo.”
Kinuha niya ang isang maliit na bangkito sa tabi niya at bahagyang itinaas iyon.
Agad namang ibinulsa ni Joseph ang cellphone.
“Okay na. Eto na. Tsk.”
Napangisi si Michelle.
“Ayan. Hindi na kailangang batuhin ka para sumunod ka lang.”
Napairap si Joseph bago tuluyang tumayo.
“Ang sungit mo.”
“At least gumagalaw ako.”
Napailing na lamang si Joseph at nagsimula nang tumulong.
