CHAPTER 7

417 9 0
                                        

CHAPTER SEVEN: ROSE DEVIL GANG

Nanalo ang DLG.

Pero para kay Ghail, hindi iyon isang malinis na panalo.

May mali.

Malaki.

Kilala niya si Loui. Hindi iyon basta-basta nagpapatalo, lalo na kung Rank 4 ang LQSG at mas mababa nang malaki ang ranking ng DLG.

Masyadong mabilis ang nangyari.

Masyadong perpekto para sa isang gang na ilang ranggo ang layo sa kanila.

At higit sa lahat—

may nakita siyang bagay na hindi dapat naroon.

“Pansin mo ba ’yon, Ghail?” tanong ni Alex sa tabi niya. “Parang may mali sa laban na ’yon.”

Napatingin si Ghail sa kanya.

Mabuti.

Napansin din niya.

“Yeah.”

Malamig ang boses niya.

“May mali sa naging laban.”

Hindi siya sang-ayon sa pagkapanalo ng DLG.

Hindi dahil ayaw niyang manalo ang mga ito.

Kundi dahil alam niyang hindi iyon patas.

Sa gitna ng arena, muling nagsalita ang MC.

“Since DLG is now the winner, the question is…”

Itinaas nito ang microphone.

“Sino ang gusto ninyong makalaban next?”

Tumayo nang bahagya si Rocky, ang leader ng DLG, at ngumisi.

“Well…”

Naglakad ito patungo sa microphone.

“I want Rank 3.”

Umalingawngaw ang mga bulungan sa buong arena.

“Wow.”

Napailing si Alex.

“Rank 3 talaga?”

Ang RLG.

Ang grupo ni Kevin.

Napakabilis naman nilang umakyat ng confidence.

“Ang yabang na,” iritang sabi ni Alex. “Nanalo lang laban sa Rank 4, gusto agad ang grupo ni Kevin.”

“Hindi ba sila nahihiya sa sinasabi nila?” dagdag ni Yannie.

“Rank 3 pa talaga,” sambit ni Michelle.

Hindi sumagot si Ghail.

Nakatingin lang siya kay Rocky.

May kayabangan sa mukha nito.

Parang nakalimutan na nitong ilang minuto pa lamang ang nakalipas nang matalo nila ang LQSG.

O baka mas malala—

baka alam nitong may daya silang ginawa.

Tumayo si Ghail.

Agad napatingin sa kanya ang apat.

“Ghail?”

Hindi siya sumagot.

Tumayo rin sila.

At sa sandaling iyon, tila naramdaman ng buong arena ang pagbabago.

Unti-unting napunta sa kanila ang atensyon ng mga tao.

The Queen Gangster (Edited)Stories to obsess over. Discover now