LIBRARY
Tahimik ang library , abala si Kimberly sa pagbabasa.
Dalawang oras ang free time nila, kaya naisip niyang mas mabuting magbasa at mapagisa kaysa makipagkuwentuhan kina Alex at sa iba.
“Ms., puwede patabi?”
Hindi man lang niya tiningnan kung sino ang nagsalita.
“Hindi puwede.”
Nagpatuloy lang siya sa pagbabasa.
Ayaw niya kasing may katabi habang nagbabasa. Gusto niya ng tahimik na lugar at sariling space.
Narinig niyang naglakad palayo ang taong humiling na maki-share ng table.
Mabuti.
Kaya nga siya pumunta rito para magbasa.
Pero ilang minuto lang ang lumipas nang muli siyang makarinig ng yabag papalapit.
Napabuntong-hininga siya.
“Hi, Ms. Book Lover.”
Nakilala agad ni Kimberly ang boses.
Lalo niyang hindi pinansin ang lalaki.
“Hey.”
Hindi pa rin siya sumagot.
Hanggang sa bigla na lamang nitong hinablot ang hawak niyang libro.
“Shit!”
Mabilis siyang napatingin at masamang tinitigan ang lalaki.
“Anong problema mo, ha? Akin na nga ’yang libro ko!”
Inilayo pa nito ang libro.
“Oops! Sandali lang naman, Kimberly.”
“Wag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko! Hindi tayo close.”
Mahina pa rin ang boses niya dahil nasa library sila. Ayaw niyang makaistorbo ng ibang estudyante.
“Eh ano gusto mong itawag ko sa ’yo?” nakangising tanong ni Martin. “Babe?”
Napairap si Kimberly.
Mabilis niyang inagaw ang libro mula rito.
“Akin ’to. Kumuha ka ng sa ’yo!”
Ibinalik niya ang libro sa mesa at muling umupo.
Ramdam niyang umupo naman si Martin sa harapan niya.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.
“Get out.”
Ngumiti lang ang lalaki.
“Wala akong sinabing umupo ka diyan. Kaya alis.”
“Library ’to,” sagot ni Martin. “Saka wala namang sinabing bawal umupo sa table na ’to. Kaya hindi mo ako puwedeng paalisin.”
Mas lalo siyang nainis nang ngumiti pa ito.
Para kay Kimberly, nakakainsulto ang ngiting iyon.
“Nainlove ka na, no?”
Napakunot ang noo niya.
Pinagsasabi nito?
Pero biglang may pumasok na ideya sa isip niya.
Nice idea.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang libro.
Hinawakan niya ang ulo ni Martin at inilapit ang mukha nito sa kanya.
Agad namang nagulat ang lalaki.
“Alam mo, Martin,” sambit niya, “hindi ko akalain na ang gwapo mo pala.”
