CHAPTER EIGHT: BANGAYAN
“Himala. Four days na tayo rito.”
Napalingon si Yannie sa mga kasama niya habang nakaupo sila sa isang mahabang bench malapit sa garden ng academy.
Ilang araw pa lamang silang nasa Chantel Academy, pero pakiramdam niya ay parang mas matagal na silang naroon dahil sa sunod-sunod na pangyayaring hindi nila inaasahan.
“Oo nga, no.” Napabuntong-hininga si Kim. “I hope wala nang gulo. Gusto ko na lang mag-aral nang maayos.”
“As if naman makakapag-aral tayo nang maayos dito nang walang gulong mangyayari, noh.” Maarte namang sambit ni Michelle habang inaayos ang buhok niya.
Napailing si Ghail.
Four days.
Hindi pa naman ganoon katagal.
At sa totoo lang, hindi niya inaasahang magiging tahimik ang buhay nila sa Chantel Academy kahit kailan.
“Sabagay, mga gago rin kasi ibang estudyante rito.” Kim rolled her eyes before pointing toward a group of five boys sitting on a bench across the courtyard. “Lalo na 'yung grupo ng mga lalaking 'yon!”
Napatingin silang lahat sa direksiyong tinuturo ni Kim.
Limang lalaki.
Halos magkakalapit ang upuan, nag-uusap at nagtatawanan na para bang walang ibang tao sa paligid.
Sila raw ang isa sa mga pinakasikat na grupo sa campus.
Hindi na kailangang ipaliwanag kung bakit.
Madalas silang pag-usapan ng mga babae sa academy, at halos saan man sila pumunta ay may nakakapansin sa kanila.
“Cute naman sila... Ay, hindi pala. Mga pogi sila." Kinilig si Yannie habang nakatitig sa mga lalaki.
Napairap si Ghail.
“**Huwag niyo na ngang pag-usapan 'yan. Nakakasira ng araw. Tch.**”
“**Ghail, appreciate their cuteness—I mean, handsomeness.**” Tumawa si Yannie at agad na umakbay sa kanya.
“**Wala akong pake sa mga mukha nila.**”
“Sure.”
“**Wala talaga.**”
Mas lalo lang ngumiti si Yannie.
“**Okay, okay. Pumasok na tayo sa room. Baka ma-late pa tayo.**” Kim decided to intervene before tuluyang uminit ang ulo ni Ghail.
Tumayo na silang lahat at nagsimulang maglakad papunta sa classroom.
---
### FAST FORWARD
Ilang minuto lamang ang lumipas nang makarating sila sa tapat ng kanilang classroom.
Huminto si Ghail.
Hindi niya agad napansin na nakahinto na pala ang lahat sa likuran niya.
May kakaiba.
Hindi niya maipaliwanag kung ano, pero mula pa lamang sa ilang hakbang ang layo niya sa pintuan ay may hindi magandang pakiramdam nang gumapang sa kanyang dibdib.
Parang may naghihintay.
Parang may mali.
“**Bakit, Ghail?**” Takang tanong ni Kim nang mapansing hindi siya gumagalaw.
Hindi agad sumagot si Ghail.
Nakatingin lamang siya sa pintuan.
“**May kakaiba akong nararamdaman.**”
