Chapter 48

4.6K 67 4
                                    

"Hindi ako naniniwala sa 'yo," pailing-iling na sabi ni Miggy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ako naniniwala sa 'yo," pailing-iling na sabi ni Miggy. Alam niyang nagsisinungaling lang si Francine. "Sinasabi mo lang 'yan dahil gusto mo akong saktan. Gusto mo lang akong gantihan dahil sa mga nagawa kong kasalanan sa 'yo. Hindi mo 'ko mapapaniwala na ipinagpalit mo na ako kay Raymart."

"Talaga lang ah." Ngumisi si Francine. "Paano kung sabihin ko sa 'yo na gusto ko nang makipaghiwalay? Maniniwala ka na ba sa 'kin?"

Nabigla si Miggy sa sinabi niya. Hindi niya in-expect na hahantong sa gano'n ang kanilang problema. Maski si Raymart ay nabigla rin.

"Sapat nang dahilan ang pagtataksil mo para maghiwalay tayo, Miggy. Tamang-tama dahil in-aprubahan na ang divorce bill dito sa Pilipinas. Mag-divorce na tayo sa lalong madaling panahon."

"Hindi!" bulalas ni Miggy. "Hindi ako makakapayag na gawin natin 'yon. Oo mabigat ang nagawa kong kasalanan sa 'yo at handa akong tanggapin anumang parusa ang ibibigay mo, pero sobra na kung magdi-divorce tayo! Paano na lang ang mga pangarap nating dalawa? Paano na lang ang sinumpaan natin sa simbahan na magsasama tayo sa hirap at ginhawa? Mawawala na lang ba ang lahat nang iyon, ah?"

Lumapit si Miggy at hinawakan ang mga kamay ni Francine. Maluha-luhang tinignan niya ito nang diretso sa mga mata. "Alam kong hindi pa madali para sa 'yo ang magpatawad ngayon, pero nakahanda akong maghintay kahit gaano pa katagal. Basta't huwag lang tayong magdivorce. Hindi ko makakaya kapag tuluyan kang nawala sa 'kin, Francine."

Ngunit inalis ni Francine ang mga kamay ni Miggy sa pagkakahawak sa kanya. "Wala nang tayo, Miggy. Kasal na lang ang mayroon tayo at hindi na sapat iyon para magkabalikan pa tayo. Simula nang sirain mo ang tiwala ko sa 'yo, winasak mo na rin ang puso ko!" Napahawak siya nang mahigpit sa kanyang dibdib. "Wala nang patutunguhan ang relasyon nating ito. Huwag na nating ipagpilitan. Maghiwalay na tayo para sa ikabubuti nating dalawa."

Lalakad na sana pabalik ng bahay si Francine nang pigilan siya sa braso ni Miggy. "Hindi, babe! Hindi tayo puwedeng maghiwalay! Nagmamakaawa na ako sa 'yo! Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon!"

"Umalis ka na!" sigaw ni Francine at itinulak niya si Miggy. Mabilis namang lumapit kay Miggy ang mga guard at siya'y hinawakan. "Ayoko nang makikita ang pagmumukha mo rito!"

"Bitawan nyo ko! Arghh!" pagpupumiglas ni Miggy. "Francine! Babe! Parang-awa mo na! Bigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataon! Mahal na mahal kita!"

Hanggang sa biglang niyang tinapakan ang paa ng isa sa mga guard at nakatakbo siya kay Francine. Hinila niyang muli ang braso nito at halos mapaluhod na siya sa pagmamakaawa. "Huwag mo kong iwan, babe! Mahal na mahal kita! Please! Babe!"

"Bitawan mo 'ko! Ano ba!?"

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo ko pinagbibigyan! Please! Parang-awa mo na. Hindi ko makakaya na mawala ka sa buhay ko!" Hinawakan siyang muli ng mga guard, ngunit ayaw pa rin niyang bitawan si Francine. "Bitawan nyo 'ko!"

"Ahh! Nasasaktan na 'ko, Miggy! Bitawan mo 'ko!" daing ni Francine.

"Pare, bitawan mo na siya!" pakiusap ni Raymart nang makitang nahihirapan na si Francine. Sinubukan niyang alisin ang kamay ni Miggy sa braso nito, pero ayaw pa rin nitong kumalas. "Pare, tama na! Bitawan mo na siya! Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ng asawa mo!?"

"Huwag kang makikialam dito ah! Kailangan naming mag-usap!"

"Miggy, nasasaktan na ako! Aaahhh!" muling daing ni Francine at doon na hindi nakapagpigil si Raymart.

"Sinabi na ngang bitawan mo sya, e!" sabi ni Raymart at bigla niyang sinuntok sa mukha si Miggy. Kaagad itong nahulog at mabilis na nailayo ng mga guard.

"Pakawalan nyo ko!"

"Pasensya na pare, pero hindi na tama itong ginagawa mo! Mas lalo mo lang pinalalala ang sitwasyon. Mas lalo mo lang sinasaktan ang asawa mo!"

"Hayop ka, Raymart! Ikaw ang umalis dito! Layuan mo ang asawa ko! Huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo dahil hindi ka nya mamahalin kahit kailan! Ako ang tunay niyang mahal!" sigaw ni Miggy habang nagpupumiglas.

Natamaan si Raymart sa sinabi nito, pero nagbingi-bingihan na lamang siya.

"Bitawan nyo 'ko! Argghh!"

Sumenyas si Raymart sa mga guard. "Ilayo nyo na yan. Huwag nyong hahayaan na makapasok siya ulit dito sa village."

"Yes, sir!" sagot ng mga guard.

"S-sandali! Hindi ako puwedeng umalis! Kailangan ko pang makausap ang asawa ko!"

Ngunit hindi siya pinakinggan ni Raymart.

"Siguraduhin nyong hindi na makakapanggulo yan."

Pagkatapos ay puwersahan nang hinila ng mga guard si Miggy palabas ng village.

"Arghhh! Bitawan nyo 'ko! Pakawalan nyo na 'ko, parang-awa nyo naaa!" umiiyak na sigaw ni Miggy.

Then, tinawag niyang muli ang asawa, "Francineee! Bigyan mo pa ako ng isang pang pagkakataon! Alam kong mahal na mahal mo pa rin ako! Ipinapangako ko na magbabago na ako basta't patawarin mo lang ako!"

Ngunit kahit na anong sigaw niya ay wala na itong pakialam sa kanya. "Francineee! Babalikan kita! Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako napapatawad! Babalikan kita, tandaan mo 'yan!"

Hanggang sa tuluyan na siyang nailayo ng mga guard.

Pagkuwa'y inakbayan ni Raymart sa braso si Francine. Ihahatid niya na sana ito sa loob, pero bigla na lamang itong humagulgol ng iyak.

"Tahan na, Francine," sabi niya.

Awang-awa si Francine kay Miggy sa kabila ng kanyang galit na nararamdaman. Kahit anong kubli niya sa sarili ay kitang-kita pa rin sa kanyang mga mata ang katotohanan na mahal na mahal pa rin niya ang asawa.

At kitang-kita iyon ni Raymart.


*****

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon