Spike, dig. Spike, dig.
"Okay girls, enough na muna for today. Magrest na kayo. Dani, halika dito." Tita Ella said, kaya tumakbo ako papunta sakanya.
"Yes, coach?" I asked.
"Uh bilisan mo na Dani, may naghihintay sayo sa labas. She wants to see you daw." Sabi niya at niyakap ako. Na-weird-an naman ako dun, kasi who would want to see me naman ngayon? If it's Louisse I'm sure naman na she would be sitting by the bleachers lang. Si mommy, in 20 minutes pa yun darating after I text her. Sina mamu, sa Friday pa ko kukunin to sleep there. Tumango nalang ako at tumakbo na papuntang shower room.
Paglabas ko, nakita ko si Louisse na hinihintay ako dun, pero may kasama siyang matagaaal na matagal ko nang hindi nakikita.
"Ate Bei?!" Sigaw ko at tinakbo ko ang naiiwang espasyo sa pagitan namin tsaka niya ko yinakap nang mahigpit.
"Dani, anak." A woman said, approaching us. Tinignan ko lang siya at hinakawan at hinatak ko si Louisse palayo.
"Anak, umuwi ka na, please."
"I'm sorry po, but umuuwi naman po ako sa tamang bahay. Ate Bei, bakit ka nandito?" Binaling ko na ang atensyon ko kay ate, at iniwas ko ang aking paningin sa bagong dating.
"Hey Dani, kausapin mo naman si babba. Matagal ka na niyang gustong kausapin. Please." She begged, pero ayoko pa. Masyadong matagal na ang nakalipas at hanggang ngayon, sobrang sakit pa rin para sa akin.
"Danielle, please. Kausapin mo naman ang mama." She tried to hug me but dumikit ako sa wall.
"I'm sorry but I don't recognize anyone na mama. May namimiss nga ako eh, kaso babba tawag ko dun." Sabi ko at umalis na kasama si Louisse. Sakto namang dumating ang sasakyan ni mommy, kaya naman pinaupo ko na si Louisse sa harap at pumasok agad ako sa likod. Dinukdok ko ang mukha ko sa unan para hindi makita ni mommy na umiiyak ako.
Sa totoo lang, it still pains me. 5 years have passed but yung sakit tuwing naaalala ko yun, nanunuot pa rin. Akala ko, maaayos na lahat if I told mommy how I really felt. Nag-usap nga sila ni babba, pero nag-away naman sila. And mommy made babba choose, and she chose tito. Ayoko na dun, hindi na ako babalik, that's why I went with mommy. With her, I feel the safest, and I was actually okay.
Okay, but not happy. Bakit?
Syempre, I still want my family back. I'm okay with my life right now, consistent dean's lister ako, I have mommy and Louisse with me, and nakabalik sa volleyball, and I'm currently studying and playing for Ateneo. Pero kulang pa rin without babba, ate Bei, Lexie and Xia syempre.
Dinalaw na ako ng antok at di ko namalayan na nakatulog na ako. Naramdaman ko nalang si mommy na ginigising ako kasi nasa bahay na pala kami.
Paakyat na sana ako ng kwarto ko pero bigla akong tinawag ng mommy para kumain.
"Dani, are you okay baby?" Tanong niya noong nakaupo na ako sa kusina. Hindi ko man lang napansin na kanina pa pala may pagkain sa harapan ko, at na paubos na ni Louisse yung sakanya.
"Ah yeah mommy. Thinking of training lang." Sabi ko which I think caught mommy's attention kasi binaba niya yung utensils niya.
"And what about traning, baby?" Sabi niya kaya medyo naiiyak na ko. No, di pwedeng malaman ni mommy to.
"Mommy! I saw ate Dani talking with a tall girl with chinky eyes kanina who looks kind of like you. Tapos may isa pang girl who looks like the person sa picture mo sa taas! Ah I remember her name na! I saw tita Alyssa mommy. And she was trying to talk to ate. Pero dumating ka na po kaya we had to go. Di tuloy sila nakapagtalk." Anak ng napakadaldal Louisse.
"Mom..." I started saying, pero she shushed me.
"Dani, are you okay anak? Do you want to talk to them?" Mommy said
"NO MOMMY! I never will!!!" I said and ran off to my room. After a few minutes, I heard mommy go upstairs. Nagkunwari na kong tulog para di niya na muna ako kausapin. I don't want to talk about anything right now. Especially with the scholarship exams for abroad coming up.
*6 months later*
"Hey, anak, are you really sure about this na?" Mommy asked me while I was packing.
"Mommy, this has been what I have always wanted. Although ayoko pong mailayo sainyo, I really want to study in France. And it's a scholarship grant, mommy. Don't worry, I won't skip FaceTime all the time. I promise." I told her and hugged her.
"Aw, my baby's not so baby anymore. Anak basta mag-iingat ka dun ha. And no relationships muna please. Not until you have met the real one, and not until di mo pa nakikita lahat ng bad sides niya." She was telling me while tearing up.
"Opo mommy. And it's really not in my mind pa naman po right now. All that it is right now is that runway dream," sabi ko at nginitian siya. Bumitaw na siya sakin and she left me inside the room na to finish up packing.
Tonight's my flight to Paris. I'm going to study there for 5 years, then I think I'm going home for a while then go back for work. Tinitignan ko yung scrapbook na dadalhin ko, at naiiyak lang ako. Ni hindi man lang nagkaayos ang family namin bago ako umalis. I don't know if this will still work pero sana along the way magkabalikan sila. Nasaktan na sila pareho pero yun lang talaga ang dalangin ko araw-araw, ang magkabalik sila.
As soon as I zipped my luggage, I heard my iPad. Si ate Bei, nagsskype. I immediately answered her call and nagulat ako nung nakita ko siya, si Lexie, at si Xia na umiiyak sa harap ng screen.
"Hey guys, why are you crying? May ginawa ba si mumu sainyo?" I asked pero nagulat ako kasi tinignan ako ni Xia ng masakit.
"No! He did not hurt us! You hurt us, ate! Mom left us already, babba has someone else in this house making us feel left out, and now aalis ka din? Sabi mo dati walang iwanan, na hindi ka aalis. Na lagi ka lang sa tabi namin. Ate, wag ka na umalis please!" Pagmamakaawa niya kaya naiyak na din ako.
"Stop na Xia! Hayaan mo if she wants to leave. Diba nga siya yung favorite ni mommy, tignan mo siya lang kinuha! Let her leave na para tayo naman!" Lexie said na nakapagpagulat sakin. Tumakbo na din siya papunta sa kama at nagtalukbong. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko. Tapos bigla pang sumilip si babba sa pintuan. Naiyak na ko ng sobra sobra. Kinuha ko yung ipad at humiga na ako sa kama. Nagulat ako nung biglang mukha ni babba ang nakita ko sa screen.
"Danielle, please. Anak, let's talk." Sabi niya kaya tumango nalang ako. Because if there's one thing I know, kahit na disappointed at malungkot ako sa nangyari, I still miss and love my babba.
25 minutes later, nakarinig ako ng katok tapos nabuksan yung pintuan ko. Si babba, si mommy, at si ate Bea. Pumasok sila sa kwarto ko tapos niyakap nila akong tatlo. Mas lalo naman akong naiyak kasi namiss ko talaga yung mga ganito.
"Anak, okay ka lang?" Tanong sakin ni babba, pero di ako umimik. Umiyak lang ako ng umiyak.
"Hey, Beatriz, tara muna sa baba nak, gawa muna tayo ng snacks. Hayaan mo munang mag-usap ang babba at kapatid mo." Aya ni mommy at bumaba na sila. Hindi muna ako nagsalita for a few minutes, inunan ko lang yung lap ni babba tapos siya sinusuklay niya yung buhok ko.
Wag na kaya ako magsalita? Ganto nalang hanggang mamaya bago ako umalis?
——————————————————
ahk hi guys, sorry sa suuuuper late update huhu natatambakan talaga ako ng school works + grade 10 lyf laging nalulunod ganon :(( may part 3 pa to HAHAHAHAHA see u there!!)Originally published: April 20, 2019
Republished: June 5, 2024
YOU ARE READING
denly ficlets
FanfictionOne-shot and ficlet compilation, yay!😛💙 Requests are accepted. peace ad love 🤗