*summer before 11th grade*
"Den, may ipapakilala ako sayo!" sabi ni Marck habang naglilinis kami sa publication office."Utot mo, Espejo. Senior high na tayo, ayoko ng distractions." Balik ko sakanya.
"Seryoso nga, Den! Tropa ko to, safe ka dito." Sabi ni Marck sabay lapag ng phone niya, nakita ko, Telegram acc lang.
"Ni hindi mo nga mabigay yung pangalang buo, Marck e." Reklamo ko sakanya.
"Tanga, binibigyan nga kita ng pagkakataon na hindi ka muna niya makilala kaya tele binigay ko sayo e. Pag tinawag ka niyang Demi, wag kang magugulat ha? Yun sinabi kong pangalan mo e." Sabi niya at inirapan ako.
"Dentot, tara na!" Aya ni Kianna sa akin, tapos na pala kaming maglinis dito sa office.
"Balakajan, Marck. Babye na! Bye guys!" Pagpapaalam ko sakanya at sa iba pang kasama namin sa silid na iyon.
Habang palabas kami ng school, tinanong ako ni Kianna kung anong balak ko ngayong bakasyon na. Nabanggit niya kasing pupunta siya ng Korea at Japan para pumasyal.
"Hmm, ewan ko kina mommy at daddy. Pero baka ituloy ko lang din magsulat at gumuhit kasi nga balak naming ituloy yung facebook page natin kahit na bakasyon." Sabi ko sakanya pagkapasok namin sa service. Eto talaga kasabay kong umuuwi e, siya na rin ang naging best friend ko dahil sa campus journ. Pagkauwi ko, agad akong umakyat sa kwarto para magbihis at matulog. Oo alas kwatro palang pero inaantok ako, bakit ba?
Nakahiga na ako nung nakareceive ako ng notif. Kahihiwalay palang namin ni Kianna may chat nanaman siya?
Avi
Hi, Demi. Si Avi to, yung tropa ni Marck.
Pinakilala niya na ba ako?Luh?? Hindi ko nga muna to rereplyan, 'di ko naman kilala eh.
5 minutes later, may chat nanaman.
Wala akong masamang balak, hehe.
Reply ka naman, miss.??
Miss, napakaraming words at letters pero ?? lang irereply mo sakin? :((
I do not know you, sorry. Not interested.
Awts, mas masakit ka pa sa bagsak sa PE, miss.
Ampochi, may nabagsak pa sa PE??
Ayun, miss marunong ka naman palang gumamit ng words e.
I'm Avi, 16, Thomasian.Tss. Demi, 16, CSA.
Sungit mo naman, miss.
Stop calling me miss,
binigay ko na nga name ko diba?Sorry na.
Demi, meryenda muna tayo.Nope, di pa kita kikitain.
Yie excited siya makita ako.
Wala naman akong sinabing magkasama ah. Kain ka diyan, kain ako dito.-.- bahala ka diyan.
Joke, sorry Demi.
Kinulit niya lang ako nang kinulit hanggang sa inantok na ako.
Five weeks later, hindi ko na maitatanggi na nagugustuhan ko na siya. Ang ingat niya sa akin, sobrang caring at concerned din siya. Napag-isip-isip ko na ring kitain siya in two weeks, kasi saktong babalik na ako sa Manila. Ngayong bakasyon kasi, pinunta ako nina mommy dito sa Catbalogan para bisitahin ang mamu at papu.
Avi
Hello Demi, good morning!
Kamusta tulog mo?Good morning, Avi.
Good naman, ikaw?Okay na, ikaw na kausap ko paggising ko e.
Sus, mama mo.
Seryoso nga, Demi.
My mornings have been better since I met you.
Paalalahanan mo nga akong ikiss si Marck pag nakita ko, anghel binigay sa akin e.Mauunahan pa niya ko sa halik ah?
De, joke lang Demi, para sayo lang to.
Utot, kumain ka na diyan!
Ikaw din, kain na.
Avi, uuwi na pala ako diyan sa Manila.
Kelan, bb?
Taray, may pa-bb.
In two weeks.Oo practice na yan.
Di ko na mahintay itawag sayo yan nang harapan.Pakilig ka riyan.
Hoy, hindi pa tayo ah.
Di pa nga tayo lubusang nagkakakilala e.Sabihin mo na nga kasi socmed mo.
Ayaw, bigay mo muna yung sayo.
Brb Demi, may pinapagawa lang si mama.
Sige. Lalabas na rin ako papunta kina papu.
Two days nalang, makakauwi na ako sa Manila. Yay, finally!
A few days later...
Avi
Hoy, Avi!
Yes, Demi kong mahal?
Tamis naman non.
Anyways, two days nalang uuwi na ko diyan.Ready ka na bang makita to?
Tong papi na mukhang to?Baka mukhang puppy kamo.
Wait lang Demi ha.
Balik ako.
Hanapin ko lang section ko, nagrelease na USTe e.balik daw, pero isang taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya nagrereply.
———————————————————
review buster 2/3. Back to the present na tayo next update hehe.Originally published: July 1, 2020
Republished: June 14, 2024
YOU ARE READING
denly ficlets
FanfictionOne-shot and ficlet compilation, yay!😛💙 Requests are accepted. peace ad love 🤗