It's been five years, and ngayon pauwi na ako. I'm on my way home, and I couldn't be any happier. Mom knew that I was coming home this month, pero hindi niya alam kung anong araw, kaya surprise!
Although, I do not know how things are na sa Pilipinas. Pag kasi tumatawag ako, it's just hi and hello, I love yous, and goodbyes. No time na because of the time difference and because we're busy with a bunch of stuff.
I also deactivated all of my social media accounts kasi I did not want to be bothered by kung ano mang nangyayari dito, especially because I was maintaining my scholarship abroad. On the way home, I just kept looking at the buildings we passed, hanggang makarating ako sa bahay. I breathed in and released everything. I honestly do not know what to expect.
As soon as I opened the door, nagulat ako. Aside from the confetti, all my family members were there. Mommy, babba, ate Bei, Lexie, Xia, and Louisse.
Napaiyak naman ako kasi I didn't expect na ganito yung maaabutan ko. Grabe, am I dreaming? Because if it's a yes, then do not ever ever ever wake me up. PLEASE!!
"Hooooy Dani, galaw galaw naman diyan aba." Biro ni ate Jho, yung bestfriend ni ate Bea na kapitbahay rin namin.
"Baby! Don't you miss us? Parang ayaw mo lumapit?" Biro ni mommy kaya naman tumakbo ako papunta sakanila at niyakap nila ako ng mahigpit.
"Mommy, babba, for real?" I asked them and they looked at each other and smiled.
"We love you, Dani." They said at naluha ako.
"Haaay bago ka pa maiyak, KAIIIIN!!!" sigaw ni ate Bei at nag-umpisa na yung party.
We danced, sang, ate, and swam.
Kinagabihan, nasa room na ako at nag-aayos ng mga gamit ko. Pinaakyat lang yung mga maleta kanina pero sinabi ko kina manang na ako na magliligpit kaya naman iniwan lang nila sa tabi ng kama ko. Inaayos ko yung mga shoes ko sa ilalim ng bed when I saw a box, a familiar one. Grabe, nandito pa to? Maalikabok na at nagbbrown na though, pero binuksan ko pa rin.
I was browsing through photos when I saw one note.
Dani, don't think of it as if sinisira ko ang pamilya niyo. Akin si Ly una palang. Dumating lang kayo sa buhay niya kaya't pinahiram ko siya.
That guy, bwiset. Maiiyak na sana ako when I heard knocks on my door.
"Open," sabi ko at nung nabuksan yung door, sina mommy and babba pala. Tinago ko naman agad yung box at nag-ayos ng upo sa kama.
"Mommy, babba, thank you for today. I missed the both of you. A lot." I said at yinakap naman nila ako.
"Anything for you, baby. Anything." Mommy said as a tear rolled down her cheek.
"Drama mo mommyyyy. Ba, wag ka na po umalis, please?" I pleaded and she smiled at me.
"How about tabi tayong tatlo tonight? What do you think, 'nak?" Babba asked and I agreed naman agad. We got ready for bed, nagkwentuhan saglit, and then we called it a day.
When Dani fell asleep, naramdaman kong tumayo si Alyssa, at pinakiramdaman ko kung anong gagawin niya. Narinig kong isinara niya nang dahan-dahan yung pinto, kaya naman nang nasigurado kong hindi na magigising si Dani, lumabas ako, at nakita ko si Alyssa na nakatungo sa mga nakasabit na litrato sa dingding.
"Den, bilib pa rin ako sayo. Salamat sa pagpapalaki sa mga bata nang matiwasay," sabi niya, na ikinagulat ko, kasi hindi ko alam na naramdaman niya pala na nandito ako.
"Ly, responsibilidad ko iyon bilang nanay nila, bilang taong nangako na gagawin ko ang lahat upang maiparamdam sakanila ang sense of normalcy, kahit na sobrang gulo na ng buhay," sagot ko naman sakanya.
"Responsibilidad ko rin naman e, kaya sobrang laking pagkukulang ko sakanila ito."
"Hindi ko na iniisip yun, Ly. Wala na rin naman akong magagawa, kasi sa parte pa lang na pinili mo si Kiefer, kahit na may apat na tayong anak noon, talong talo na ako roon."
"Den--," she tried to cut me off, pero hindi na ako nagpapigil pa.
"Ly, there's nothing to deny na. Nothing to make excuses for. Kung sana talagang gusto mo, matagal ka nang bumalik sa amin. At sana, noon pa, hindi ka na naghanap ng iba. Ly, relasyon sa best friend at asawa ko ang gumuho, pero yung mga anak natin, hindi lang babba ang nawala sakanila, kundi ay naipagkait din sa kanila ang buhay ng may kumpletong pamilya . Buti kung ako lang ang nasaktan, pero pati sila. Kaya kahit na anong kagustuhan kong sumuko na rin, hindi ko magawa, kasi wala nang matitira sa mga anak natin. Kaya kahit sobrang sakit, lalo na pag nakikita kita at maaalala kong hindi ka pa rin naman sa akin uuwi, kinakaya ko para sa kapakanan nila," sabat ko. Lalapit pa sana siya sa akin pero ako na ang tumalikod.
"Ly, kabisado mo pa rin naman siguro itong bahay, tutal tayo naman ang nagplano neto, 'di ba? Alam mo paano ka babalik... sa kwarto ni Dani. Huwag ka nang magtagal dito sa labas, baka magising yun at hanapin ka. Good night." Huling sabi ko, tsaka ako pumanhik pabalik sa kuwarto ng anak naming kararating lang, at walang alam sa mga bagay na nangyari nang nawala siya dito.
Anak, sorry, mommy had to lie. Babba said this was the only way na alam niya kung paano makakabawi sayo, but I fear for the coming days. Mommy will try her best to protect you, pero sana huwag ka nang umalis ulit.
———————————————————
HI GUUUUYS!! sorry talaga ngayon lang huhu :< sobrang busy kahit bakasyooon~ next part coming right up.Originally published: July 19, 2019
Republished: June 6, 2024

YOU ARE READING
denly ficlets
FanfictionOne-shot and ficlet compilation, yay!😛💙 Requests are accepted. peace ad love 🤗