review buster (3)

525 21 5
                                    

"Okay guys, I want you to pair up with a classmate and finish worksheets 1-26. Please pass them on Thursday on or before 11:59PM. Thank you!" Our Biology teacher said just as he ended the zoom meeting. Anlala nung 26 worksheets, hoy! Tapos dalawang araw lang?

1C (academic purposes)

Marck Espejo
Oy guys, partner ko na si Kianna!

Ella de Jesus
Partner ko na si Fille ha!

Dennise Michelle Lazaro
Oy, Beatriz, may partner ka na?

Bea de Leon
Sorry ate Den, partner na raw ako ni Jho.

Dennise Michelle Lazaro
Kianna mang-iiwan.

Kianna Dy
Nyenyenye. Sorry na Den!

Kiefer Ravena
Mukhang lahat may partner na ah. Si Den nalang.

Marck Espejo
Hoy bakit walang partner yan?
Even number naman tayo ah.

Dennise Michelle Lazaro
Sa walang partner diyan, beke nemen.

Kianna Dy
Kunin niyo na yan guys!
Best in Bio, magba-bio major pa nga sa ADMU e

Marck Espejo
Tapos minor in karupukan daw

Dennise Michelle Lazaro
Foul, Marck! Ikaw may pakana nun ah.

Binaba ko muna yung phone ko at inumpisahan nang magsagot habang wala pang nagclaclaim sa akin bilang partner. Alas kwatro na nang maisipan kong icheck yung phone ko at nagulat ako kasi nagchat pala si Alyssa, yung isa naming kaklaseng tahimik pero alam naman yung sinasagot kapag tinatanong na ng teacher. Ngayon ko nga lang to nakita dito sa Messenger e, kahit sa group dm namin sa Tele, hindi 'to naimik.

1C (academic purposes)

Alyssa Valdez
Dennise, akin ka na lang.
I mean, tayo nalang.
Tayo nalang magpartner, hehe.

Marck Espejo
L A K A S

Teacher Cha
Mga bata, kalma.
Review lang.

Kiefer Ravena
lupet mo master

Ella de Jesus
silent killer nga.

Kim Fajardo
That's my best friend!!

Kianna Dy
PTPA
Dennise for sale.
rfs: walang partner sa bio
requirement: Alyssa Valdez dapat pangalan mo.
PM is the key 🔑 🔑

Ella de Jesus
Gagi ka Kianna
pero support!!

Dennise Michelle Lazaro
Iniwan mo na nga ko, pinamimigay mo pa.
Ano, laruan sa donation box ng Jollibee?

Alyssa Valdez
Dennise, please notice me.
Willing maging partner mo

Dennise Michelle Lazaro
g, Alyssa.

Carmela Tunay
Den, ninang ako ha?

Marck Espejo
Alyssa, easyhan mo ha!
Baby baby pa tong si Dentot!

Dennise Michelle Lazaro
Kahit kelan ang kalat niyo pls.

Ella de Jesus
Awat na, iiyak na si Den oh.
Mamaya 'di yan magsend ng sagot e.

Bago pa ako maka-isip ng reply kay Ella, biglang may notification na dumating: someone sent me a message sa telegram.

Unknown Account

Hi, Dennise.

Who's this?

Oh, si Alyssa from 1C.

Uy hi, Alyssa.

Nasa contacts pala kita, hehe.
Anyways, g ka na gumawa?

Ah, I've started na kanina.
I'm done na with Cell Bio and Genetics.
Send mo nalang yung sayo para mapagcompare natin.

Oh okay, great.
Tapos ko na rin yung sa Botany at Zoology.

Thank God, hindi pahirap tong partner ko.

Mabilis na lang pala to.
Anatomy and Physiology nalang.

Buti nalang pala talaga ikaw partner ko.

Aw cute.
Pero likewise.

Hehe.

Sige, start na tayo.

Pwede call?
Medyo hirap kasi ako dito, e I've heard you recite na.
Pwede mo nang palitan yung teacher sa galing mo mag-explain.

Ah wala yun, I love Science lang talaga kaya comfortable ako with it.
Sige call, pero give me time to prepare then.

Sige sige, would 8 be fine then?

Okie Alyssa, talk to you later.

Ly nalang, Dennise.

Den nalang, Ly.
hehe.


At 8, I got settled na and saktong tumawag na siya. Hindi ko alam pero comfortable akong nakikipag-usap sakanya which rarely happens. Ganito lang ako sa mga taong kilala ko, at pinagkakatiwalaan ko. Natapos kami at around 2, hindi na namin namalayan yung oras pero natapos naming gawin lahat ng kailangan, at ready na kami magpass.

"Den, may sasabihin ako sayo."

"Ano yun, Ly?"

"It's Avi to you."

Halos malaglag ako sa kama nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

"the fudge?" I said and dropped the line.

———————————————————
scam sa three parts hehe, one more chapter ang susunod para sa kwento nina Avi and Demi!

as always, peace ad love.


Originally published: July 6, 2020

Republished: June 15, 2024

denly ficletsWhere stories live. Discover now