Tahimik kong pinagmamasdan ang buong cafeteria habang kumakain, as usual na sa pinaka-sulok na naman ako. Hindi sa nagre-reklamo pero na sanay na ko sa ganito kahit sa dati kong school.
Kakalipat ko lang dito sa St. Joseph Academy two weeks ago. Simula ng pumasok ako dito ay ni-isa wala pa kong nakaka-usap. My mom used to say to me na bawas bawasan ko raw ang kakasimangot dahil yun daw yung dahilan kung bakit wala akong kaibigan, plus yung expresion daw nang muka ko parang walang pake sa mundo. Sa tingin ko nga hindi ako kilala ng mga kaklase ko ngayon. Well di ko naman sila masisi dahil hindi naman ako nag-iingay sa room namin.
Ibang-iba ang ugali ko sa bahay kesa sa school. Maybe because I'm comfortable with our house, naiilalabas ko kung ano yung totoong ugali ko.
Tumayo na ko ng maubos ko na yung kinakain ko. Papalabas na sana ako ng bumukas yung pintuan ng cafeteria,lahat ay napatigil sa mga ginagawa nila. Napabuntong-hininga naman ako sa loob ng dalawang linggo ako lang ata yung nagsasawa sa ganitong eksena tuwing papasok sila dito. Seriously kung tutuosin tao pa rin naman sila,why treat them like they were some kind of mighty.
"Oh sheyt"
"Ang gwapo talaga ni Idris"
"Hindi noh mas gwapo si Atreyu"
"Si Sauron kaya"
"Basta para sakin si Rory"
Napaikot ako ng mga mata ko ng marinig ko na naman yung pagtatalo ng mga babae dito sa cafeteria.
Lumabas ako ng cafeteria ng walang nakakapansin sakin. Well hindi naman talaga ako kapansin-pansin.
May isang oras akong vacant dahil hindi pumasok yung teacher namin sa chem,nung narinig nga namin kanina yun ay nagdiwang sila. Kahit ako natuwa dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa quiz mamaya. Hindi talaga kami close ng chemistry.
"Sevi hindi kasi ganyan sigurado ka bang marunong ka?"
"Nag-mamagaling lang yan"
"Oy grabe ang sakit nun ah"
"Totoo naman"
Napatigil ako ng mapansin yung tatlong babae sa music room na nagtatalo. Sumandal ako sa pintuan at pinagmasdan sila. Pamilyar silang tatlo sakin, saan ko na nga sila nakita?
Ah silang tatlo yung gumawa ng eksena sa library. Pinalabas sila ng library dahil nagsisigawan na silang tatlo nun, I think may pinag-tatalunan din sila ng araw na yun.
"Oh edi dapat ikaw na lang mag-gitara"
"Ako nga yung vocalist"
"Ay huwaw naman teh"
"Eih ikaw lang naman marunong mag-gitara sating tatlo,isa pa sa pagkaka-alam ko mahirap aralin itong mga toh"
Tinuro nya yung mga instruments. Binatukan naman sya nung babaeng hanggang leeg nya lang.
"Gaga sinabi ko bang aralin mo lahat"
"Masakit ha"
"Malamang"
"Nakakahiya kayo mga bibi,may nanunuod satin"
"Ganda ko kasi"
"Kapal"
Lumapit sakin yung isa samantalang yung dalawa naman ay nag-simula na namang mag-talo.
"Hi!"sabay kaway sakin. Ngumite lang ako sa kanya.
"Kanina ka pa dyan?"tanong nya umiling naman ako.
"Ba't di ka nagsasalita? Ah kasi gusto mo lang" napakunot ako ng noo ko. Tanong nya sya rin sumagot, weird.
"Sattin Rose Ventura nga pala"sabay abot ng kamay sakin.
"Saintlyne Romero"at tinanggap ang kamay nya. Ngumite sya ng malaki ng mag-shake hands kami.
"Ang astig ng pangalan mo"
"Salamat"
"Mga bibiiii awat na, may nahanap na kong bagong member"natigilan ako ng isigaw nya yun. Bagong member? Sino? Ako?
"Ha?"nilingon nya ko at nginitian ng matamis. Teka teka! Nagpakilala lang kami sa isa't isa ah!
"Nice! Ikaw na in-charge sa drums"
"Woooh kompleto na tayo"
"Teka ano? Drums?"takang tanong ko
"WELCOME TO THE HOT MESS"sabay sabay nilang sigaw na tatlo. At pina-ikutan ako. Samantalang hindi ko pa rin maprocess yung nangyayari ngayon.
-------
"Akala ko ba banda kayo?"gulo kong tanong sa kanila. Nandito kami sa may field ng academy,uwian na rin kasi kaya wala ng masyadong tao dito.
"Hmm. Kasali ka na rin samin"sabi ni Sevielle Monteverde 'Sevi' for short. Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.
"Pero wala ni isa sa inyo maliban kay Hell ang marunong gumamit ng instrument"sabay sabay naman silang tumango sa sinabi ko.
"Eih ikaw marunong ka ba?"tanong sakin ni Helldie Imperial 'Hell' for short,nakakatakot yung pangalan nya jusqoo.
"Oo"simpleng sagot ko
"Edi turuan mo na lang silang dalawa,since kakanta lang role ko"
"Excuse me napag-usapan na po natin ang tungkol dyan, diba pag-bibigyan natin yung isa't isa nang chance para maka-kanta"singit ni Sevi
"Yeah yeah"tamad naman na sabi ni Hell.
"Sain (Sayn) anong kaya mong tugtugin?"tanong ni Rose
"Drums,gitara at piano"
"Oooh~"sabay sabay nilang reaksyon at pumalakpak
"Bakit ba kayo bumuo ng banda?"taka kong tanong sa kanila.
Tumingin sa langit si Sevi, si Hell naman ay pinikit yung mga mata pero naka-kuyom yung mga kamay samantalang si Rose na nakangite. I frown because of their different reactions.
"For fun. I think"mahinang sagot ni Sevi
"Para sa pride kong tinapakan"gigil na sabi ni Hell
"Ha?"
"Wala akong choice hihi"sabi naman ni Rose
"Owkay. Pero kailan nyo balak mag-debut? Atsaka may kompanya na ba kayong sasalihan?"
"Meron na, dati pa pero hindi pa kami agad naka-porma ng kontrata nun dahil gusto nila apat na member dapat kami. Pero since nandito ka na magiging official na tayo yeeey!"masayang sabi ni Rose habang pumapalakpak sya.
Napatango na lang ako. Pakiramdam ko ang bilis ng pangyayari!
"Pupunta tayo bukas dun,titignan natin kung open pa yung offer nila"sabi ni Hell
"Agad agad?"gulat kong tanong
"Syempre, baka maunahan tayo ng iba"sabat naman ni Sevi
"Pero diba pag naging official na banda na tayo wala na tayong privacy. Parang artista ganun"
"Oo"
Gaaaah! Napasapo ako ng noo ko. Bakit ba ako huminto kanina sa music room?
"Hahahaha! Ano ka ba masaya toh!"
"Oo nga naman pag-nangyari yun palagi na tayong magkakasama"
"Parteeeeeeh"
Bakit pakiramdam ko imbes gumaan yung loob ko parang mas lalong na down?
"Trust me Saintlyne, being part of this band will make you crazy!"sabi ni Hell at nginisihan ako na parang may masamang balak.
"Should I back out now?" I ask nervously
"OF COURSE NOT! IDIOT"
Oh goodness help me please!
To be continued....
YOU ARE READING
Simula Pa Noong Una
Teen FictionHanda ka bang itaya ang buhay mo sa isang misyong walang kasiguraduhan na mabubuhay ka pa? Meet Saintlyne Romero kasama ang mga kaibigan nya na isasabak kaagad sa isang misyong isang persyento na lang ang pag-asa nilang mabuhay.
