Dd

1 0 0
                                        

I was panthing heavily as I look at the crowds. Screaming our names, how cool we are and whispering things.

Ang iba ay nakatutok pa rin samin ang mga cellphones nila, na hula ko ay nagvi-video samin.

"That was....... wow"

Nagkatinginan kaming apat at sabay-sabay na ngumite. Ang sarap sa pakiramdam na may sumisigaw sa pangalan mo dahil nagalingan sila sayo. Ganto pala yun? Kaya maraming tao na humahangad na sumikat kasi ganito yung pakiramdam.

Tumayo na ako at lumapit sa kanila pero bago bumaba ay nagpasalamat si Hell. Pagkababa namin ay pinalibutan kami ng mga estudyante. Sabay-sabay silang nagsalita kaya hindi namin sila maintindihan.

"Ohemgeeee! Ang galing nyo po kanina"

"Ang cool nyo!!"

Ngite lang ang iginaganti namon pag may pumupuri samin o kaming dalawa lang ni Rose? Dahil yung dalawa feel na feel nila yung nangyayari samin. Kumakaway at nakikipag-kamay sa mga estudyante. Napa-iling na lang ako.

Nahagip ng tingin ko ang grupo nila Pilarmeo na nakatingin samin ngayon. Napa-ngise ako ng mapansing kunot na kunot yung noo nya. Well ganun na naman talaga expression nya ever since. Nakita ko pang tinapik sya ni Marquez sa balikat na syang nagpa-simangot sa kanya ng husto at tumaas pa ang kilay,kaya natawa ako ng mahina. Bugnutin!

"Saya?"tanong ni Rose sakin habang tumatawa pa rin ako. Umiling lang ako sa kanya at ngumite, nagkibit-balikat lang sya.

———————

"Whoah grabe 3.6 million views na mga bibi!"sabi ni hell habang tumatalon at hawak ang cellphone nya.

"Agad? Kahapon lang yan ah"sabi ni Rose nagkibit balikat lang si Hell.

"Patingin!"sabay agaw ni Sevi sa cellphone ni Hell na hindi na maipinta ang muka ngayon dahil sa ginawa ni Sevi.

"Ako ba talaga toh? Wooah"di makapaniwalang tanong ni Sevi pagka-tapos ay tumingin sya sakin.

"Bakit?"tanong ko sa kanya

"Ikaw toh?"tanong nya sakin at inilapit sa muka ko ang cellphone ni Hell sa muka ko. Tinitigan ko naman yung video na nagpe-play ngayon pero mas finucos ko ang tingin sa sarili ko na nagda-drums.

Magulo ang buhok pero hindi gaano,maluwag ang necktie at yung paraan ng pagtingin ko. Damn ako toh?

"Ako ba toh?"

"Sa tingin mo may kakambal ka?"sarkastikong tanong ni Hell sakin. Tumango ako sa kanya.

"Meron duh!"sagot ko pabalik sa kanya at binalik ang tingin sa video. Ramdam kong tinitignan nila akong tatlo.

"ANOOO?"sabay-sabay nilang sigaw. Napapikit ako ng mariin.

"Magkaka-harap lang tayo mga nene"inis na sabi ko sa kanila

"Sorry"

"Pero seryoso may kakambal ka?"tanong ni Sevi

"Meron. Tsaka nabanggit ko na toh dati pa! Remember the guy who always fetch me? That's him"sabi ko

"Huh? Parang wa....... sabi mo nun kapatid hindi kakambal"sabi naman ni Hell at dinuduro sakin yung cellphone nya. Napapa-atras tuloy ako ng ulo ko.

"Hindi ba pareho lang yun?"taka kong tanong.

"Magakiba yun. Baliw"sabi ni Sevi

"Pasensya"sabi ko at pinaglaruan na lang yung drum sticks.

"Nakita nyo ba reaksyon nila Calante kanina? HA!"masayang sabi ni Hell. Tumango ako dahil satisfying naman talaga yung reaksyon ng grupo nila kanina.

Simula Pa Noong UnaWhere stories live. Discover now